Solenn Heussaff ’senti’ mode sa paglilipat, namaalam na sa lumang bahay

Solenn Heussaff ’senti’ mode sa paglilipat, tuluyang namaalam sa lumang bahay: We’ve been here for 7 years…

PHOTO: Screengrab from YouTube/Solenn Heussaff (and husband)

NAGING sentimental ang model-actress na si Solenn Heussaff sa pag-alis sa kanyang lumang bahay kasama ang pamilya.

Sa Instagram, ibinandera ni Solenn ang isang short video na ipinapakita ang paghahakot sa kanilang bahay, pati na rin ang ilang throwback videos na mapapanood ang masasayang memories nila dito.

Anunsyo pa ng aktres, lumipat na sila sa ipinatayo nilang bagong bahay matapos ang pitong taon.

“The big move to our new place!” caption niya sa IG post.

Wika pa niya, “After a journey with water proofing, we are now settled [happy face emoji].”

Baka Bet Mo: Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff

Sa pamamagitan naman ng YouTube, ipinakita ni Solenn ang timeline at ilang detalye sa kanilang paglilipat ng bahay.

“We’re all packed-up and we’re gonna say goodbye to our old house and move to the new one,” sey niya sa video.

Aniya pa, “It feels so weird. We’ve been here for seven years.”

Mapapanood na noong Hunyo nang magsimula si Solenn na ayusin ang mga gamit sa bagong bahay nila.

Noong Setyembre naman nang tuluyan na silang nakalipat.

Ipinasilip pa lang ni Solenn ang ilang bahagi ng kanyang new home, pero ayon sa kanya plano niyang magkaroon ng house tour sa susunod niyang vlog.

“We’re slowly getting there. I think my next vlog after this is going to be a reveal, a room per room reveal,” saad niya.

Dagdag niya, “It’s finally feeling like a home after so long and I hope you guys will learn a thing or two from things I’ve learned along the way.”

Kung matatandaan, taong 2016 nang ikinasal si Solenn at ang kanyang mister na si Nico Bolzico sa France.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Thylane (2020) at Maelys Lionel (2022).

Noong 2021 nang maganap ang kanilang groundbreaking ceremony sa kanilang dream house.

Ayon sa couple, naisipan nilang magpatayo ng mas malaking bahay dahil lumalaki na rin ang kanilang pamilya.

Related Chika:

Billy Crawford sa pagbabalik-GMA: Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala!

Maureen Wroblewitz ibinandera ang sikreto sa relasyon nila ni JK Labajo; idol na idol si Kathryn

Read more...