Rhian Ramos kontrabida sa ‘Encantadia’, gaganap bilang makapangyarihang diwata na si ‘Mitena’

Rhian Ramos kontrabida sa ‘Encantadia’, gaganap bilang makapangyarihang diwata na si ‘Mitena’

PHOTO: Instagram/@whianwhamos

IPINAKILALA na kung sino ang gaganap na kontrabida at matinding kalaban ng mga Sang’gre sa inaabangang bagong yugto ng iconic telefantasya na “Encantadia.”

Siya’y walang iba kundi ang aktres na si Rhian Ramos bilang makapangyarihang diwata na si “Mitena,” ang cursed twin ni Cassiopea na ginampanan noon ni Solenn Heussaff.

Para sa mga hindi masyadong aware, si Cassiopeia ang kauna-unahang reyna ng Lireo na naghati ng mga brilyante sa limang elemento.

Sa naging interview ng news program na “24 Oras,” nagbigay na ng detalye si Rhian tungkol sa kanyang karakter.

“Isa siyang Ice Queen so I believe that it has something to do with that,” sey niya.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Kylie Padilla iniwasang mapalapit sa isa’t isa habang ginagawa ang ‘Encantadia’

Chika pa niya, “Pero may mga makukuha din kasi akong kapangyarihan along the way so madadagdagan nang madadagdagan.”

Kwento pa niya, “Kung iniisip niyo na Encantadia lang ang nag-iisang world, marami pang mga iba’t ibang area. Ang magiging area ko or lugar ko is ang Mineave, which is North.”

Nabanggit din ni Rhian na nagkita sila ni Solenn sa isang Halloween Party at dito niya kinumpirma ang kanyang magiging role sa upcoming teleserye.

“Actually, tinatanong ko, pinapa-confirm ko sa kanya na ‘Uy, talaga ba? Totoo ba?’ Kasi ‘nung una, chika pa lang eh, hindi pa nako-confirm sa’kin,” sambit ng aktres.

Patuloy niya, “So sabi ko, ‘Totoo ba na magkapatid tayo, magkakambal tayo sa Sang’gre’ and babalik ka ba as your character?’” 

“Nung una hindi pa niya kino-confirm, pero ‘’nung nagkita na kami nung Halloween, yes, it’s true at nag-Cassiopeia pa siya as her costume,” aniya pa.

Last week lamang inilantad kung sino ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante o tinatawag na “Sang’gre.”

Ang mga bibida sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ay sina Faith Da Silva na magmamana ng Brilyante ng Apoy bilang si “Flamarra,” kay Kelvin Miranda ang Brilyante ng Tubig bilang si “Adamus,” at si Angel Guardian ang gaganap bilang “Deia” na tagapagmana naman ng Brilyante ng Hangin.

Nauna namang ipinakilala ang aktres na si Bianca Umali na gaganap bilang si “Terre,” ang nawawalang anak ni Sang’gre Danaya na ginampanan ni Sanya Lopez sa huling version ng nasabing action-fantasy Kapuso series.

Kung matatandaan, taong 2005 nang unang ipinalabas ang Encantadia na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon (Pirena), Iza Calzado (Amihan), Diana Zubiri (Danaya) at Karylle (Alena).

Nagkaroon din ito ng remake noong 2016 na kung saan ang mga bumida ay sina Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya), Gabbi Garcia (Alena), at Glaiza de Castro (Pirena).

Related Chika:

4 na bagong Sang’gre kumpleto na, ipinakilala sina Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian

Read more...