Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid inalala ang mga yumaong mahal sa buhay

Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid inalala ang mga yumaong mahal sa buhay

Erik Santos, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla

ILAN sa mga bigating artista na ibinandera ang pagtungo sa sementeryo nitong Undas ay ang OPM singers na sina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Zsa Zsa Padilla.

Si Erik, dalawang araw nanalagi sa puntod ng kanyang mga magulang.

Kasama ng singer ang kanyang kapatid na si Hadiyah noong November 1, All Saints’ Day, na binisita ang yumao nilang parents na may caption na, “I love you Nanay + Tatay.”

Gayundin ang ipinost ni Erik sa kanyang IG noong November 2, All Souls’ Day, at ang naging caption naman niya ay “I miss you so much Nay, Tay! [sad face emoji].”

Ang ina ng singer na si Angelita Ramos Santos ay pumanaw noong November 25, 2022 at amang si Renato Santos ay namaalam naman nitong August 10 na parehong lung cancer ang ikinamatay.

Baka Bet Mo: #Undas2023: Mensahe ng mga ka-BANDERA para sa mga yumaong mahal nila sa buhay

PHOTO: Instagram Story/@eriksantos

Ibinahagi rin ni Ogie sa Instagram ang pag-alala niya sa yumao niyang ama.

Ipinakita niya ang picture ng puntod nito, kalakip ang caption na “Miss you Dad [red heart, folded hands emojis].”

Hindi rin nalimutan ni Zsa Zsa ang dating partner at tinaguriang “King of Comedy” na si Dolphy nitong Undas.

Sa Instagram, nagpasalamat ang TV personality at batikang singer sa mga taong dumalaw sa libingan ng kanyang dating partner.

“Thanks to those [who] passed by to say prayers, lit candles and gave flowers [folded hands, heart emojis],” wika niya sa post kalakip ang kanyang litrato na nakangiti sa tabi ng puntod ng iconic comedian.

Matatandaang noong July 2012 nang pumanaw si Dolphy o si Rodolfo Vera Quizon Sr. sa edad na 83 dahil sa sakit niyang obstructive pulmonary disease.

Ilan sa mga programang pinagbidahan niya maliban sa “Home Along Da Riles” at “John En Marsha” ay ang Mars Ravelo’s “Facifica Falayfay” at ang Lino Brocka-helmed movie na “Ang Tatay Kong Nanay.”

Related Chika:

Read more...