Channing Tatum, Zoë Kravitz engaged na after 2 years ng pagiging magdyowa

Channing Tatum, Zoë Kravitz engaged na after 2 years ng pagiging magdyowa

Channing Tatum, Zoë Kravitz

MUKHANG nag-level up na ang romantic relationship ng Hollywood couple na sina Channing Tatum and Zoë Kravitz!

Engaged na kasi ang dalawa makalipas ang dalawang taon ng pagiging magdyowa.

Ang masayang balita na ‘yan ay kinumpirma ng ilang sources sa American weekly magazine na People.

Spotted din ang couple na magkasama sa isang Halloween party na kung saan ay naka-costume ang dalawa na inspired sa 1968 film na may titulong “Rosemary’s Baby.”

Agaw-pansin din diyan ang tila engagement ring na suot-suot ni Zoë.

Baka Bet Mo: OG team ng ‘Magic Mike’ muling magsasanib-pwersa para sa ‘finale’ ng pelikula after 7 years

Kung matatandaan, nagsimula ang kanilang relasyon noong 2021 matapos magkakilala sa isang casting process ng pelikulang “Pussy Island,” ang directorial debut ng Hollywood actress.

Bago sila maging mag-dyowa, si Channing ay ikinasal sa “Step Up” co-star na si Jenna Dewan at mayroon silang anak na babae.

Habang si Zoë naman ay may dating mister na aktor na si Karl Glusman. 

Taong 2022 nang huling mag-open up ang aktres patungkol sa kanila ni Channing kung saan inilarawan pa niya ang aktor bilang kanyang “support system” at “protector.”

“He’s just a wonderful human. He makes me laugh and we both really love art and talking about art and the exploration of why we do what we do,” sey ni Zoë.

Ani pa niya, “We love to watch a film and break it down and talk about it and challenge each other.”

As of this writing, wala pang kumpirmasyon ang couple patungkol sa kumakalat na engagement nila.

Related Chika:

Ion Perez sinorpresa si Vice sa Channing Tatum look: ‘O, na-in love ka na naman?’

Read more...