Ina inaming hindi na masyadong romantic ang asawa makalipas ang 20 years na pagsasama | Bandera

Ina inaming hindi na masyadong romantic ang asawa makalipas ang 20 years na pagsasama

Reggee Bonoan | March 17,2021 - 07:26 PM

BUMAGAY ang soundtrack ng awiting “Hindi Kita Iiwan” ni Sam Milby sa “#AmpalayaChronicles Presents Me & Mrs. Cruz”.

Mapapanood ito sa iWant TFC Original Anthology Series sa Marso 26 na pinagbibidahan nina Ina Raymundo, Kristof Garcia, Nicki Morena at Paulo Angeles, sa direksyon ni Real Florido.

Interesting ang love story ng mga karakter nina Ina at Paulo na base sa trailer ay taga-deliver ng bulaklak at singer na may iba’t ibang karakter para sa aktres bilang si Mrs. Cruz na isang byuda na unang kita palang sa binata ay nabighani na agad.

Base sa trailer ay malaking hamon  sa role ni Paulo para alamin kung sino ang nagpapadala ng bulaklak na ayaw namang tanggapin ng aktres at sa huli ay naging kaibigan niya ito at pilit na pinasasaya na sa kalaunan ay nagkagustuhan na.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Me and Mrs. Cruz” ay natanong si Ina kung mahalaga ba sa kanya ang edad ng taong may gusto sa kanya tulad ng sa karakter na ginampanan ni Paulo.

“I personally don’t think so. Siguro sa 10 ganu’n bihira rin talaga ‘yung magwo-work but it does lalo na kapag nahanap mo ‘yung souldmate mo.

“Marami kasing babae na ‘yung spirit nila is so young na ang mas bagay sa kanila ay ‘yung younger men. And may mga much older men naman na usually older, like younger women.

“So, lalo na sa panahon ngayon na very open na, dati parang medyo taboo, right? Or medyo hindi pa accepted but now, no big deal.  And halos lahat nga ng pinapanood ngayon ay May-December (affair), ‘yun ang patok talaga, gusto ng tao and it works. Kinikilig ang mga tao sa ganu’n kasi maraming nakaka-relate,” sabi ng aktres.

Napansin din namin sa trailer na maraming ginagawa si Paulo kay Ina para kiligin ito kaya natanong ulit ang aktres kung anong klaseng romantic gesture na ang ginawa sa kanya ng kanyang husband.

“Oh, I can’t remember kasi ‘tong asawa ko he’s been with me for 20 years and my husband is not very romantic and aminado naman siya na hindi siya romantic na tao.

“Siguro nu’ng nagdi-date palang kami nu’ng bago palang kami talagang he swept me off my feet ganu’n. Hindi ko na maisip in particular pero he really spoiled me all that.

“And 20 years later, he’s still a very good husband but ‘yung pagiging romantic talaga it’s so sad nawawala na after so many years kaya kailangan talaga extra effort from the guy not from women it should be the guy.

“But it’s understandable because he’s busy with our kids, he’s busy with our only son playing baseball so ia-accept mo na lang kasi isipin mo ang dami niyong anak, di ba?  Parang mahirap pang maging romantic pa at this point.

“Siguro pag lahat sila (mga anak) nasa college na, siguro doon na lang ulit pag nesting stage doon ulit mababalik ‘yung romance but now I can’t remember of anything right now,” kuwento ni Ina.

At dahil sa sagot ng aktres na hindi na romantic ang asawa niya ay natanong siya kung paano sila tumagal ng 20 years. May pagmamahal pa ba o financial stability na lang?

“Of course there is love kasi ang asawa ko sobrang bait. May mga lalaki nga sobrang romantic pero malaman mo hindi lang pala ikaw. “So mas gugustuhin ko na ‘yung super nice person, he’s such a good father to our kids and mas gugustuhin ko na ‘yun at may peace of mind ako na ganu’n siya.

“So mas pipiliin ko na ang hindi romantic kaysa sa romantic na ladies’ man na matinik. Kaya pipiliin ko na ‘yung asawa ko ng 18 years and 2 years boyfriend-girlfriend kaya 20 years na kami,” paliwanag ng aktres.

Nabanggit din ni Ina na sobrang blessed niya dahil nahanap niya ang tamang lalaki para sa kanya.

“Kasi before him hindi ako into serious relationship parang for me, magse-serious lang ako kapag nahanap ko na talaga ‘yung guy for me at nu’ng na-feel ko na siya na, he’s gonna be the dad of my kids,” pahayag pa ni Ina.