Cory Vidanes, Mark Lopez, Benhur Abalos at Carlo Katigbak
NILAGDAAN ng ABS-CBN at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang partnership deal para mas palakasin pa ang anti-illegal drugs advocacy campaign ng gobyerno na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) last Thursday.
Sa memorandum of agreement signing event, sinabi ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na maraming manonood ang naaabot ng ABS-CBN at ng impluwensya Kapamilya artists.
“Ang tinatarget ng droga ay mga bata at may mga role model sila. Kung ang bata ay babaguhin ang lifestyle at attitude to be healthy, malaking bagay. Dito papasok ‘yung tinatawag na role modeling.
“Alam natin na ang ABS-CBN ay talagang sikat po sila rito. Marami kayong mga artist na talagang role models of our youth. Malaking bagay po ito kaya nagpapasalamat kami sa ABS-CBN for this memo signing po,” sabi ni Sec. Abalos.
Baka Bet Mo: Lolit Solis nag-react sa pagdalo ng Kapamilya stars sa GMA Gala 2023: ‘Parang big deal na sa lahat’
Nagsilbing kinatawan ng ABS-CBN sa paglagda ng MOA sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, and COO of broadcast Cory Vidanes. Naging saksi rin ang DILG undersecretaries at iba pang opisyal sa naturang MOA signing.
Nagsimula noong 2017 ang kampanya ng ABS-CBN laban sa droga kasama ang mga piling artista ng Star Magic na nagpapataas ng kamalayan sa publiko tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga.
* * *
Ilang linggo ring naging super busy si US Immigration Attorney Marlene F. Gonzalez nang umuwi siya sa Pilipinas kamakailan lamang.
Ang kanyang pagbisita sa Maynila ay para turuan, bigyan ng tulong at ipaalam sa mga Pinoy kung paano makapagtatrabaho at manirahan sa United States.
Ang pangunahing focus ng Filipina-American attorney ay ang magbigay ng impormasyon sa mga Pilipinong gustong magpunta sa US. Maaaring ito ay bilang isang turista, isang nurse, isang student o isang unskilled worker.
Nagsimula ang kanyang pagbisita sa bansa sa isang matagumpay na 3-day trade expo sa Megatrade Hall noong September 29.
Baka Bet Mo: Ex-loveteam hindi na ‘package deal’ sa mga TV commercial pero aktor swerte pa rin
Nagbigay siya roon ng free consultation sa mga kababayang gustong magtanong tungkol sa kung paano maging matagumpay sa pag-apply ng US visa, sa mga petitions ng mga kaanak at sa mga may problema tungkol sa US Immigration.
Nagsagawa rin siya ng immigration seminar noong October 7 kung saan nakipagpulong siya sa mga nurse at negosyante na gustong maghanap ng mas magandang buhay sa US.
Ang mga pagsisikap ni Attorney Marlene na tulungan at turuan lalo na ang mga inaabusong Pilipino sa US ay naging malakas at malinaw nang makapanayam siya sa “Open for Business” ng NET25.
Regular din siyang guest sa morning program ng network, ang “Kada Umaga.” Makikita siya sa nasabing program tuwing Biyernes. Maaaring makontak si Atty. Marlene online. Puntahan lamang siya sa kanyang website, ang www.us-journey.com upang personal n’yo siyang makausap.