Horror movie na ‘The Piper’ may kakaibang epekto sa manonood; Charlotte Hope ng ‘Game of Thrones’ epektib ang pananakot
ISANG legendary character mula sa classic na kwento ang magiging bangungot ng isang musician na magdadala sa kanya sa malagim na kapahamakan.
Mag-ingat sa nakakalinlang na tawag ng “The Piper“. Ang Pied Piper ay isang sikat na karakter sa kwentong pambata na “The Pied Piper of Hamelin”, na isinulat ni Robert Browning noong 1842.
Kwentong ito ng isang magaling na Pied Piper na tutulungan ang isang lugar sa problema nito sa pagdami ng mga daga sa kanilang lugar.
Mapapasunod niya ang mga daga na magpunta sa ilog at doon ay malunod gamit lamang ang kanyang husay sa musika.
Hihilingin niya na bayaran siya ng ginto bilang kapalit, at papayag ang mga tao at ang Chief nila sa kasunduang ito, pero nang maningil siya ay nagbago ang mga isip nito.
Dito na magagalit ang Pied Piper at paparusahan ang mga tao. Gagawa siya ng tunog na mapapasunod lahat ang mga bata sa kanya at ikukulong niya ang mga ito para malayo sa mga magulang nila.
Ang “The Piper” na pelikula ni Erlingur Thoroddsen, ay ang modern take na may horror twist sa classic na kwentong ito.
Tungkol ito sa musician at young composer na si Mel (Charlotte Hope), na nabigyan ng pagkakataon na tapusin ang naudlot na concert ng yumao niyang mentor.
Pero ang inaakala niyang magandang bagay na makakabuti sa music career niya ay hindi nagbigay ng oportunidad, kundi ng delubyo dahil tuwing tutugtugin niya ang concerto, natatawag niya ang isang alagad ng kasamaan, isang halimaw na kahit kailangan ay hindi mo gugustuhin makaharap – ang Pied Piper.
Kung ginagambala at ginugulo ng Piper ang mga tao tuwing patutugtugin ang sinumpang mga himig at tono, anong mangyayari kapag natapos ni Mel ang kanta? Mapigilan niya kaya ang Piper sa kasaman nito? O hindi siya ganoon kalakas para harapin ‘to?
Bibida sa “The Piper” si Charlotte Hope, na nakilala sa pagganap niya bilang Myranda sa series na “Game of Thrones”.
Naging parte rin siya ng ilang sumikat na pelikula tulad ng “The Theory of Everything” at “The Nun”.
Baka Bet Mo: Maricel sumabak sa pa-acting challenge ni Vice, gayang-gaya sina Nora, Vilma at Dolphy; winner sa ‘Banayad Whiskey’
Ang English actor na si Julian Sands ay parte rin ng pelikula. Nakilala si Sands mula pa noong 80s at naging bahagi na rin siya ng ilang sikat na mga pelikula at series tulad ng “The Killing Fields”, “The Medallion”, “The Girl with the Dragon Tattoo”, “Smallville”, at “24.”
Produced by Millennium Media Inc., ang pelikula ay ipalalabas naman ng Viva International Pictures dito sa Pilipinas. Sabay-sabay matakot at magsigawan at manood ng “The Piper” sa mga sinehan nationwide simula ngayong November 1.
Napanood na namin ang “The Piper” sa ginanap na premiere night nito last Monday sa SM Megamall Cinema 2 at in fairness, ibang katatakutang pelikula naman ito na siguradong hinding-hindi n’yo na makakalimutan sa buong buhay n’yo.
Pero warning lang sa mga takot at nandidiri sa mga daga, magbaon kayo ng maraming lakas ng loob at tapang ng sikmura dahil baka hindi n’yo makayanan ang ilang eksena sa pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.