Lassy Marquez, MC Muah hindi pa rin makapaniwala na regular host na ng ‘It’s Showtime’, yan ay dahil kay Vice Ganda

Lassy Marquez, MC Muah hindi pa rin makapaniwala na regular host na ng 'It's Showtime', yan ay dahil kay Vice Ganda

MC Muah, Lassy Marquez at iba pang hosts ng ‘It’s Showtime’

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga komedyanteng sina MC Muah at Lassy Marquez na bahagi na sila ng “It’s Showtime.”

Parang panaginip pa rin para sa dalawang stand-up comedian na regular hosts na sila ng Kapamilya noontime show na talagang hindi nila inaasahan na mangyayari.

Halos isang taon na ring co-host sina MC at Lassy sa “It’s Showtime” na dapat sana’y tatagal lang daw ng one week na na-extend hanggang two weeks.

“Kinausap kami ni Meme (Vice Ganda), sabi niya one week lang. Tapos nu’ng nakatapos kami one week, isa pang week.


“Tapos biglang in-announce niya na regular na kami. Na-surprise kami,” kuwento ni MC sa panayam ng “Magandang Buhay” nitong Lunes.

Baka Bet Mo: True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC?

Sey naman ni Lassy, ang pinakamagandang pangyayari bilang host ng “It’s Showtime” ay ang pagkakaroon nila ng bagong pamilya.

“Alam mo ‘yung napapanood mo lang sila ngayon nakakasama mo na. Saka napaka-generous nilang lahat,” chika ni Lassy.

Last Saturday ay muling nagbalik sa ere ang “It’s Showtime” matapos ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa mga naging violation ng programa at ng ilang hosts nito.

Samantala, magkakaroon uli ng pelikula sina MC at Lassy kasama si Chad Kinis bilang Beks Battalion. Si Chad daw uli ang magdidirek ng kanilang new project.

“Mayroon kaming gagawin ulit na movie ang Beks Battalion at ang magdidirek ulit ay si Chad Kinis. Isa siya sa mga sumulat. Para pang-next year naman,” sey ni MC.

Last May, ipinalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikulang “Beks Day of Our Lives.”

Read more...