MAJA nag-mature nang maging dyowa si GERALD
Tinanong ang mga bida sa pelikulang “Status: It’s Complicated” kung paano ba nila mapapanatiling maayos at maganda ang relasyon nila sa isang tao para maiwasan ang mga kumplikadong sitwasyon.
Ani Maja na very much in love nga kay Gerald Anderson, “Noong bata-bata pa kasi ako, dapat talaga ako ang nasusunod sa lahat ng bagay, ‘yung parang madali kang maapektuhan, pero ngayon siyempre nag-mature ka na, parang dapat sa isang relationship talaga, give and take.
“Dapat mas malaki ang respeto n’yo sa isa’t isa, kung ano yung gusto ng partner mo, respetuhin mo, kung ano baman ang gusto ko dapat ganu’n din siya.
Tsaka sa lahat naman ng relasyon hindi dapat natatapos ang adjustment sa bawat isa, kasi nagbabago naman lahat ng tao at iba-iba rin ang sitwasyon at problemang nae-encounter n’yo,” paliwanag pa ni Maja.
Sey naman ni Paulo, “When you’re in a relationship, you really have to invest time, love and a lot of things para mag-work yung samahan, para hindi maging kumplikado yung tatahakin n’yo as partners.
And at the same time yung sacrifice na kaya mong gawin, kumbaga lahat naman ‘yan, kapag nagmahal ka, darating ‘yung time na kailangan mong mag-sacrifice.”
Para naman kay Jake, “Definitely, it’s an investment, kaya nga tayo nasasaktan kapag hindi nag-work yung relasyon kasi nag-invest tayo ng emotions and everything.
“Sa buhay kasi, para sa akin, magkakaroon ka na rin lang ng girlfriend, gusto ko tuluy-tuloy na ‘yun, kaya hindi ako nanghihinayang mag-invest sa isang tao, yung ibigay na ‘yung todo.
Sabi ko nga pag nagkaroon uli ako ng girlfriend gusto ko siya na talaga. Pang-forever na,” hirit pa ng aktor. By the way, ayon mismo kay Mother Lily Monteverde ang “Status: It’s Complicated” ay inspired ng classic film na “Salawahan” ni Ishmael Bernal (1979) na pinagbidahan noon nina Rio Locsin at Matt Ranillo III na gagampanan ngayon nina Maja at Jake.
Sey naman ni direk Chris, “Status: It’s Complicated is about relationship, courtship. Napapanahon pa rin siya. Ginawa namin mas hip, mas contemporary. Siyempre iba na ang mga artista, mas masaya, mas modern.”
In fairness sa trailer pa lang ng movie, ilang dialogue na ang tumatak sa amin ha! Tulad na lang ng sinabi ni Jake na, “Walang lovelife, walang sex life equals nganga!” Hirit naman ni Maja, “Liligawan mo ba ‘ko, o iiskoran mo lang?”
At siyempre ang nakakalokang monologue ni Uge na, “You like me now, I like you now, fine! You don’t like me tomorrow, I don’t like you tomorrow, fine!”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.