Ilang Hollywood stars nakiramay sa pagpanaw ni Matthew Perry: ‘The world will miss you’

Ilang Hollywood stars nakiramay sa pagpanaw ni Matthew Perry: ‘The world will miss you’

PHOTO: Instagram/@mattperry4

IKINAGULAT ng buong mundo ang biglang pagpanaw ng “Friends” actor na si Matthew Perry.

Dahil diyan, bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal para sa veteran actor at ang ilan diyan ay ibinadera ng kanyang fellow celebrities.

Magugunitang natagpuang patay sa kanyang bahay sa Los Angeles ang American-Canadian actor and comedian. Siya ay nasa edad 54.

Ayon sa mga awtoridad, nakita ang aktor na walang malay habang nasa hot tub pero walang signs o palatandaan na nagkaroon ng “foul play.”

Baka Bet Mo: Isa sa mga suspek sa Salilig hazing case sumuko na, 6 na iba pa sinampahan ng reklamo

Nagbigay-pugay ang hit sitcom na “Friends” sa pamamagitan ng official X (Twitter) page at inilarawan pa si Matthew bilang “true gift.”

Para sa mga hindi masyadong aware, siya ang bumida bilang si “Chandler Bing” sa popular series na tumagal ng ten seasons mula 1994 hanggang 2004.

“We are devastated to learn of Matthew Perry’s passing. He was a true gift to us all. Our heart goes out to his family, loved ones, and all of his fans,” saad sa post.

Para naman kay Maggie Wheeler, ang gumanap na ex-girlfriend ni Matthew sa “Friends,” maituturing niyang blessing ang mga panahon na nagkatrabaho at nagkasama sila sa show.

“What a loss. The world will miss you Mathew Perry,” sey niya sa Instagram.

Patuloy pa niya, “The joy you brought to so many in your too short lifetime will live on. I feel so very blessed by every creative moment we shared.”

Nakiramay rin si Morgan Fairchild, ang naging onscreen mother ng yumaong aktor sa nasabing sitcom. 

“I’m heartbroken about the untimely death of my ‘son,’ Matthew Perry. The loss of such a brilliant young actor is a shock,” caption niya sa kanyang X page.

Wika pa niya, “I’m sending love & condolences to his friends and family, especially his dad, John Bennett Perry, who I worked with on ‘Flamingo Road’ and ‘Falcon Crest.’”

Ibinahagi naman ni Alyssa Milano sa Instagram ang ilan niyang favorite scenes na kasama si Matthew.

Nagkasama ang dalawa sa 1988 film na may titulong “Dance with Dawn.”

“Matty, remember when we used to go play bingo at that church in the valley? You made me laugh that painful kind of laugh. A cry laugh. You made me cry-laugh,” lahad niya sa post.

Inihayag ni Selma Blair ang kanyang “unconditional love” para sa batikang aktor.

“My oldest boy friend. All of us loved Matthew Perry, and I did especially,” sambit niya.

Dagdag pa niya, “Every day. I loved him unconditionally. And he me. And I’m broken. Broken hearted. Sweet dreams Matty. Sweet dreams.”

Si Selma ay nagkaroon ng guest appearance sa “Friends” bilang “Wendy.”

Pati ang Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nagpahayag ng kanyang pagdadalamhati para sa aktor.

Ayon sa kanya, school buddy sila ni Matthew noong elementary days nila at inalala pa ‘yung mga nilalaro nilang “schoolyard games.” 

“Matthew Perry’s passing is shocking and saddening,” wika niya sa post.

Aniya pa, “I know people around the world are never going to forget the joy he brought them. Thanks for all the laughs, Matthew. You were loved — and you will be missed.”

Bukod sa “Friends,” naging tampok din si Matthew sa TV series na “Studio 60 on the Sunset Strip,” “Sydney,” “Mr. Sunshine,” at marami pang iba.

Kilala rin siya sa mga pelikulang katulad ng “17 Again,” “Fools Rush In,” “The Whole Nine Yards,” at “Almost Heroes.”

Related Chika:

‘Friends’ actor Matthew Perry pumanaw na sa edad 54

Read more...