Pasaway na aktor nabawasan ang mga raket sa showbiz dahil sa attitude problem

Pasaway na aktor nabawasan ang mga raket sa showbiz dahil sa attitude problem

Guess, guess who!?

WALANG regular show ang isang aktor dahil sa kanyang attitude problem. Ilang beses na siyang pinagsasabihan dahil marami ang nanghihinayang sa kanya dahil okay naman siyang umarte.

Ang ganda ng karera niya noong nasa pangangalaga pa siya ng dati niyang manager dahil kahit may attitude problem siya ay nabibigyan siya ng regular TV series.

Lalo pa noong napasama siya sa magagaling at de kalidad na mga artista ng showbiz na pati pangalan niya ay talagang naging bukambibig.

Pero hindi niya ito inalagaan dahil umakyat na kaagad sa ulo niya ang kasikatan na pati dating manager ay inayawan na siya.

Baka Bet Mo: Relasyong Regine-Ogie iniintriga, may problema raw sa pagsasama: ‘Uso ang hiwalayan ngayon pero ‘wag na kayo makiuso please!’

Walang nagawa ang aktor kaya’t kung kani-kanino siya nagsasabing bigyan siya ng work, may mga pasulpot-sulpot din pero hindi kalakihan ang talent fee tulad ng nakukuha niya noon.

Sa kasalukuyan ay kung kani-kanino siya sumasabit para kumita lalo’t bread winner siya ng pamilya at sobrang mahal pa ng inuupahang bahay.

“Kasi nu’ng kaliwa’t kanan ang trabaho, kinuha ‘yung bahay, sabi niya nag-down na siya, so, intindi namin binili na niya, e, hindi pala,” sabi ng tropa ng aktor.

Dagdag pa, “May raket ngayon si ____ (aktor) kasi kasama niya lagi contractor, e, nagbibigay siya ng referrals at mukhang big time kasi iba na naman ang ngiti niya kapag nagkikita kami.”

Anyway, itong si aktor ay lagi naming nakikita sa malls noon kasama ang dating girlfriend at mula noon ay papalit-palit na siya ng dyowa na walang nagtatagal dahil nagbago na nga raw ang ugali.

Read more...