Vilma nami-miss na ang politika, pinatatakbo uling kongresista sa 2025: ’24 years din ako tumagal sa public service’

Vilma nami-miss na ang politika, pinatatakbo uling kongresista sa 2025: '24 years din ako tumagal sa public service'

Vilma Santos

KAHIT wala nang hinahawakang pwesto sa gobyerno, aktibo pa rin ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

Kapag may pagkakataon, nanonood at nagbabasa rin siya tungkol sa mga kaganapan sa Pilipinas at sa mga nangyayari sa buhay ng mga Filipino.

“Nami-miss ko rin kasi 24 years din ako. So nakabantay ako sa nangyayari sa bansa,” ang tugon ni Ate Vi nang tanungin sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2023 entry nilang “When I Met You In Tokyo” tungkol sa pamamahinga niya sa pulitika.

“Nano­nood ako ng mga committee hearing, alam ko ang inflation na nangyayari, so alam ko na mahal ang bigas, pero kahit nasa showbiz ako affected pa rin ako.

“Na parang kung may magagawa ka lang na batas… ba’t di kayo magpasa ng ganito. May ganu’n na akong pakiramdam,” sey pa ni Ate Vi tungkol sa pagka-miss niya sa public service. “Kaya lang wala akong power ngayon.”

May mga nag-aalok naman daw sa kanya na bumalik siya sa mundo ng politika sa 2025, “They want me to go back to pagiging congresswoman.”

Samantala, nagpapasalamat naman si Ate Vi na hindi nakasama sa mga kinasuhan ang anak niyang si Luis Manzano kaugnay sa diumano’y gas station investment scam.

“Hindi n’yo kilala ang anak ko. Wala kayong karapatang magsalita ng ganyan. And I thank God na na-dismiss… alam nilang hindi ganu’n si Lucky. Hindi ganu’n ang anak ko,” ang pahayag ng award-winning actress.

Baka Bet Mo: Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Anyway, inamin ni Ate Vi na talagang ipinagdasal nila na mapabilang ang kanilang reunion project nila ni Christopher de Leon sa MMFF 2023.


Paglalarawan naman niya lesson na makukuha ng manonood sa kanilang pelikula, “It’s nice to be in love. Sa lahat ng bagay na ginawa ko sa buhay ko, palagay ko ang susi ay mahal ko ang pamilya ko, mahal ko ang career ko. Noong ako ay public servant, mahal ko ang mga tao. Babagsak pa rin talaga sa love,” pagdiriin niya ng aral nito.

Baka Bet Mo: Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

“It’s really hard to be 35 (years old) and gorgeous. Ha-hahaha! Hindi na rin tayo ganoon kabata pero I’m really excited dahil matagal na rin akong hindi nakasali sa MMFF,” sagot ni Ate Vi nang tanungin kung sasama siya sa gaganaping Parade of Stars.

Pagbabalik-tanaw niya sa mga sinalihang Parade of Stars noon, “Iniikot namin talaga ang Manila para sa parada. Ang saya-saya ng affair na ‘yan! I will be seeing people again! Makikita ko na naman ang fans. Nakaka-excite lalo na after pandemic. Ito ang chance makita ulit ang crowd, ang tao.”

Siyempre, tuwang-tuwa rin ang buong production ng “When I Met You in Tokyo” lalo na ang JG Productions ni Rowena Jamaji.

“We will continue to bring the best of Filipino cinema to the screens. At the helm of it all and with all the pains of putting together the biggest event in her career, Ms. Redgie Magno, has pushed the limits of her own self in making When I Met You in Tokyo a reality,” aniya.

Bukod dito, looking forward na rin si Ms. Rowena na makasali ang “Whe I Met You In Tokyo” sa Manila International Film Festival sa Enero 30 hanggang Pebrero 2, 2024 sa Hollywood.

Read more...