ISA sa mga na-interview ng BANDERA ngayong undas ay ang aktor na si Janus Del Prado.
Naitanong namin sa kanya kung sino sa mga yumaong celebrity ang gusto nilang makita uli at bakit.
Ayon kay Janus, nais niya sanang makatrabaho ulit ang veteran actor na si Eddie Garcia.
Kwento niya, “Si Tito Eddie, kasi short lang ‘yung pagkakasama namin ‘nung nag-guest ako sa ‘Ang Probinsyano,’ pero sobrang bait niya, sobrang makwento.”
Baka Bet Mo: Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set…beke nemen!
“I mean kahit hindi niya ako kilala kasi hindi naman niya ako ka-generation,” patuloy niya.
Bagamat maikling panahon lang ang naging pagsasama nila, sinabi ni Janus na nakita niya ang kabutihang loob ng yumaong batikang aktor.
Dagdag niya, “Pero isa kasi siya sa mga alam ko na walang nagsabing masama sa kanya kasi very professional.”
“Mas maaga pa siya sa staff and crew sa set, tapos alaga din sa pagkain ‘yung mga staff at crew. So sana mas nakatrabaho ko pa siya ng mahaba,” chika pa ng aktor.
Kung maaalala, taong 2019 nang binawian ng buhay si Eddie sa edad na 90.
Halos dalawang linggo siyang naka-comatose at nasa kritikal na kondisyon matapos maaksidente sa taping ng “Rosang Agimat” habang ginagawa ang isang action scene.
Napatid si Manoy sa isang kable at natumba na siyang dahilan kaya nagtamo ito ng “severe cervical fracture” o bali sa leeg.
Matatandaang hindi tinanggal ang life support ng aktor, pero pumayag ang pamilya niya na hindi na siya i-revive kapag kusa nang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.
Bilang pagbibigay-pugay sa premyado at batikang aktor, nag-file ng tinatawag na “Ediie Garcia Bill” si Senador Bong Revilla Jr. noong 2019.
Ang layunin nito ay para mabigyan ng proteksyon at tiyakin na magkakaroon ng safe work environment ang mga manggagawa sa telebisyon, pelikula, radyo at teatro sa bansa.
Nitong Pebrero, nakapasa na sa third at final reading ng Senado ang nasabing bill.
Related Chika:
Janus del Prado may matinding ‘bubog’ sa pamilya: Wala na, ulila na ako