MULING nagbabalik sa big screen ang 1998 hit movie na pinamagatang “Beetlejuice.”
Inilabas ang “remastered version” nito kasabay ng ika-35th anniversary ng nasabing pelikula at kasalukuyan na itong mapapanood sa mga lokal na sinehan.
Kasama ang iconic film sa month-long Halloween special na “Thrill Fest” na inilunsad ng Ayala Malls Cinemas na magtatagal hanggang November 1.
Ang “Beetlejuice” ay pinagbibidahan nina Alec Baldwin at Geena Davis bilang tinatawag na “Maitlands,” ang young couple na nagtatangkang guluhin ang mga taong lumipat sa kanilang farmhouse sa New England.
Baka Bet Mo: ‘Thrill Fest’ ibabandera ang director’s cut ng ‘The Exorcist’, ilang bagong horror movies
Ito ay sa tulong ng isang “demonic wraith” na hindi nila makontrol na ginagampanan naman ni Michael Keaton.
Ang pelikula ang isa sa naging daan upang sumiklab ang showbiz career nina Michael, Alec, Geena, pati na rin nina Catherine O’Hara at Winona Ryder.
Kung maaalala, ang “Beetlejuice” ay kumita noon ng halos $75 million worldwide o katumbas ng mahigit P4 billion.
Maliban sa “remastered version,” kaabang-abang din ang magiging sequel ng iconic film!
Nakatakda ‘yan ilabas sa taong 2024 kung saan bibida pa rin ang original cast at direktor nito.
Makakasama din sa upcoming film ang “Wednesday” star na si Jenna Ortega, pati na rin sina Willem Dafoe at Monica Belluci.
Bukod sa “Beetlejuice,” kabilang sa lineup ng “Thrill Fest” ang must-see thrillers na “The Forbidden Play,” “Target,” “Five Nights at Freddy’s,” “The Exorcist” at “The Exorcist: Believer.”
Ang mga manonood ng limang pelikula mula sa six movies ng “Thrill Fest” lineup ay bibigyan ng isang libreng movie ticket.
Tingnan ang buong mechanics at karagdagang impormasyon sa www.sureseats.com at i-follow ang @ayalamallscinemas sa Instagram at Facebook.
Related Chika:
Pelikulang ‘Lost in the Stars’ may hatid na kakaibang suspense