Kilalang aktor na spoiled sa dyowa, tatay laging may latest gadgets kahit walang proyekto; Karina, Aljon magpapakilig sa ‘Hex Boyfriend’

Kilalang aktor na spoiled sa dyowa, tatay laging nakukuha ang latest gadgets kahit walang 'proyekto'; Karina, Aljon magpapakilig sa 'Hex Boyfriend'

blind item, PHOTO: Facebook/KarJon Official

BIDANG-BIDA pala ang kilalang aktor sa elite friends niya dahil lahat ng latest na gadgets at mayroon na siya, kaya nagtatanong ang mga barkada kung saan siya kumukuha ng pambili, e, wala naman daw itong stable job.

Matamis na ngiti lang daw ang sagot ng kilalang aktor at saka lang naalala ng elite friends nito na spoiled nga pala si ito sa dyowa at sa tatay nito.

“Ang mamahal kasi ng gamit niya, lahat top of the line kaya mamamangha ka talaga. swerte niya (kilalang aktor) kay (name ng dyowa) na kunektado rin sa showbiz magkaiba nga lang sila ng ginagawa.

Si kilalang aktor ay ayaw ng umarte sa harap ng camera dahil kinakalawang na raw siya. Sabagay kahit naman noon ay hindi siya talaga marunong umarte, may itsura lang kaya marami ring pelikula dahil marami siyang fans.

Baka Bet Mo: Karina Bautista GF material para kay Aljon Mendoza: Pero sa ngayon walang ligawang nangyayari

***

Isang Halloween treat ang handog nina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa pinakabagong YouTube series ng ABS-CBN na “Hex Boyfriend” na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Ani ni Aljon, “After last projects namin, I feel na mas equipped kami at mas mayroon kaming tools para mapaganda ‘yung series. Kabisado na namin yung isa’t isa.”

Dagdag ni Karina, “Nandun kasi ‘yung friendship kaya hindi kami nahirapan. Naging smooth flowing din kasi pareho kaming excited at game kami to work together again in this project na parehas bago sa amin.”

Ayon kay Karina, kakaibang love story ang matutunghayan ng viewers dito lalo pa at may kinalaman ito sa mga mangkukulam at albularyo.

“Ito ‘yung mga kwentong naririnig ko sa mga kapitbahay, lolo, at lola ko. Grabe ito yung kwentong Pilipino. Dito lang sa Pilipinas uso ‘yung kwento sa mangkukulam at albularyo. Dito mabibigyan kulay ‘yung culture natin. Mahilig kasi tayong maniwala sa mga ganyan,” saad niya.

Simula ngayong araw, makikilala ng KarJon fans si Raya, isang Gen Z na goth na galing sa pamilya ng mangkukulam. Dahil sa masamang paniniwala ng kanilang komunidad sa kanyang angkan, hirap si Raya na magkaroon ng kaibigan at mamuhay ng normal. Magbabago ito nang maging kapitbahay niya si Chris (Aljon) na mula naman sa pamilya ng mga albularyo. Alamin kung anong klaseng pag-iibigan ang mabuo sa pagitan ng dalawa.

Napapanood ang pinakabagong Made For YouTube offering na “Hex Boyfriend” sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Related Chika:

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

Read more...