Julia Barretto sa viral video na ‘nagtaray’ umano sa media: ‘This is false…why now?’

Julia Barretto sa viral video na ‘nagtaray’ umano sa media: ‘This is false…why now?’

PHOTO: Instagram/@juliabarretto

VIRAL sa social media ang video ng aktres na si Julia Barretto na sinasabing nagtaray umano sa harap ng media sa isang press conference.

‘Yan ay ibinandera ng nagngangalang Cliff Irvine sa kanyang Facebook account kamakailan lang.

Hindi na makita ng BANDERA ang nasabing video, pero ito ay na-screenshot mismo ni Julia at ibinahagi pa sa kanyang Instagram Stories.

Mababasa sa caption ng viral video, “Julia Barretto, medyo nainis sa mga press dahil maingay during media conference.”

Kasabay niyan ay nagkaroon ng paglilinaw ang aktres at sinabing mali ang naging paratang sa kanya ng uploader.

“Hello. This is false,” saad ni Julia sa kanyang IG.

Paliwanag niya, “I was pertaining to some people who seemed not to be mindful of the ongoing event, NOT the PRESS.”

“Media conferences are always the space for us to have conversations with our friends from the press,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson aminadong ‘magaan’ karelasyon si Julia Barretto: Hindi mo maramdamang na komplikasyon siya!

Chika pa ng aktres, “We are trying to answer their questions and it was getting a bit difficult to hear each other.”

Ayon rin sa kanya,  matagal na nangyari ang nasabing presscon kung saan bumida siya sa pelikulang pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga na ipinalabas noon pang Hunyo.

“Also, this was back in June for ‘Will You Be My Ex’. Why now? [face savoring food emoji],” pagtatanong ni Julia.

Sa huli ay tila sinabi rin ng aktres na “clickbait” lang ang viral post upang ito ay makakuha ng maraming views.

“Anyway, next clickbait..[emoji],” aniya.

PHOTO: Instagram Stories/@juliabarretto

Kung maaalala at kung napanood niyo ang nasabing pelikula nina Julia at Diego, medyo masalimuot ang naging takbo ng kanilang love story na nagsimula pa noong mag-college sila, pero humantong din sa paghihiwalay nang may mangyari sa karakter ni Julia na isang theater actress.

Naitawid naman nang bonggang-bongga ng dalawa ang kanilang confrontation scenes lalo na nang magsigawan at magsumbatan sila sa mga kakulangan at kapintasan ng isa’t isa.

Pero ang ikinagulat ng marami ay ang mga kissing scenes at love scenes nila.

Talagang give na give na si Julia sa pakikipaghalikan at pakikipagchurvahan sa pelikula.

Pero in fairness naman kay Direk Real Florido, artistic at hindi bastos ang mga nasabing eksena.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Julia at Diego dahil nagkasama na sila sa “Petrang Paminta” episode ng “Wansapanataym” (2013) ng ABS-CBN at sa afternoon drama series na “Mirabella.”

Related Chika:

Vice Ganda umalma sa mga ‘clickbait’ content na gumagamit ng pangalan niya

Read more...