Jodi inatake ng matinding nerbiyos sa laplapan nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’, pero: ‘It was great! Charot!’

Jodi inatake ng matinding nerbiyos sa laplapan na ni Joshua sa 'Unbreak My Heart', pero: 'It was great! Charot!'

Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria

INAMIN ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na matinding nerbiyos ang naramdaman niya sa laplapan nila ni Joshua Garcia.

Sa unang pagkakataon inamin ng premyadong aktres na kinabahan siya nang bonggang-bongga nang kunan ang kissing scene nila ni Joshua sa seryeng “Unbreak My Heart”.

Sa nalalapit na pagtatapos ng unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7, naibahagi ni Jodi sa mga manonood na hindi pa raw siya nakaramdam ng ganu’ng takot at nerbiyos sa ilang taon niya sa showbiz.


Halatang na-shock si Jodi nang matanong siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol dito. Ang gulat niyang sagot, “It was great! Charot! Ha-hahaha!”

Sumeryoso naman agad si Jodi at nagsabing, “Siyempre nasa scene ‘yun, kailangan kasi talagang passionate, ganu’n ‘yung encounter with Renz (Joshua), and ang iniisip ko na lang, si Renz ‘to.”

Baka Bet Mo: Alden Richards, Julia Montes matindi ang ‘laplapan’ scene sa ‘Five Break-ups and a Romance’, Direk Antoinette Jadaone nagulantang

Pag-amin pa ni Jodi, “I have never been so nervous in my entire life na ang hirap kasi talaga gumawa (ng ganu’ng scene).”

Malaki raw ang naitulong ng ginawa nilang sensuality workshop ni Joshua para sa “Unbreak My Heart” dahil bukod sa naging mas open sila sa paggawa ng love scenes ay na-set pa ang kanilang limitasyon sa isa’t isa.

“Importante na ma-set ‘yung boundaries eh, doon sa mga ganu’ng klaseng eksena.

“Siyempre, para magkaroon ng trust sa kaeksena mo and at the same time, ‘yung alam niyo na ‘Nirerespeto kita, na I won’t make you feel violated,’” aniya pa.

Napapanood ang “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin sina Richard Yap at Gabbi Garcia.

Read more...