Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na ‘Firefly’, humugot sa mga alagang bird

Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na 'Firefly', humugot sa mga alagang bird

Euwenn Mikaell at Alessandra de Rossi

HINDI naging mahirap para kay Alessandra de Rossi ang gumanap na nanay sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Firefly.”

Ito’y sa kabila nga ng katotohanan na never pa siyang naging nanay sa tunay na buhay.

Gagampanan ni Alex ang role ni Elay sa pelikulang “Firefly”, ang nanay ni Tonton, to be played naman ng Kapuso child star na si Euwenn Mikaell.

Sumalang si Alessandra sa “Not Gonna Lie” segment ng “Dapat Alam Mo!” sa GTV kung saan game na game niyang sinagot ang tanong ng mga host.


Isa sa mga ibinatong question sa kanya ni Kuya Kim Atienza ay kung nahirapan ba siyang mag-play ng nanay sa “Firefly.”

Baka Bet Mo: Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’

“I’m not gonna lie, hindi totoo! Hindi ako nahirapan ‘no! Madali!” ang birong tugon ni Alessandra.

Inamin ng aktres na isa sa mga pinaghugutan niya sa kanyang mother role ay ang pagiging “nanay” sa mga alaga niyang ibon.

“I have birds. Sila ‘yung inspiration ko. Si Euween, ‘yung anak ko doon, tingin ko sa kaniya si Kitten. Ayoko siyang mapahamak, ayoko siyang masaktan,” ang chika ni Alessandra.

Reaksyon naman ni Kuya Kim, mukhang napakadali lang para kay Alessandra ang gumanap bilang nanay sa pelikula.

“Sa dinami-dami ng role na ginawa mo, mahihirapan ka pa ba naman sa nanay?” ani Kuya Kim.

Hirit namang sagot ni Alessandra, “Oo. Mahihirapan siguro ako kung ang role ko tatay.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez payag bang gumanap na beki sa serye at pelikula? ‘I’m open to different kinds of role’

Nilinaw din ni Alex ang tsismis na hindi na siya tatanggap ng mga supporting roles, “Ang sinabi ko is, ‘Ayoko na sana, given the chance ever, tumanggap ng kontrabida.’

“Because ayoko naman siya from the start. Wala naman akong choice kasi kailangan kong magtrabaho,” aniya pa.

Ayaw na raw kasi niyang bigyan ng negative vibes o sakit ng ulo ang mga viewers na naaapektuhan ng kanyang pagkokontrabida.

“Gusto mo ba ‘yung naiinis ka sa akin, wala naman akong ginagawa sa ‘yo? Naiinis ako kapag may taong ‘Uy mainit pa ang ulo ko sa ‘yo dahil sa napanood ko.’

“Nahe-hurt ako na parang, ito ba talaga ‘yung ginawa nito?” paliwanag ni Alex.

“Yung cancer cells na naibibigay ko sa kaniya, hindi naman tama ‘yun. So we go for touching stories,” aniya pa.

Ka-join din sa “Firefly” ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins at Kokoy de Santos.

May special participation din sa naturang MMFF 2023 entry ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ito’y mula sa direksyon ni Zig Dulay at showing na sa December 25.

Read more...