‘Pepe Mo, Pepe Ko’ jingle hindi na ginamit ng isang kandidato matapos warningan ng Comelec: ‘I’m awfully sorry’

'Pepe Mo, Pepe Ko' jingle hindi na ginamit ng isang kandidato matapos warningan ng Comelec: 'I’m awfully sorry'

NAG-SORRY ang isang kandidato para sa nalalapit na 2023 barangay elections dahil sa paggamit ng jingle na may “double meaning.”

Agad na ipinatigil ni Jose “Pepe” Pacheco ang pagpapatugtog ng kanyang jingle na may titulong “Pepe Mo, Pepe Ko” matapos makatanggap ng warning mula sa tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Tumatakbo si Pepe Pacheco bilang barangay chairman sa Barangay Bucot, Aliaga, Nueva Ecija, para sa darating na eleksyon na magaganap sa darating na October 30.

Sumulat siya sa Comelec sa kanilang probinsya upang sabihing hindi na niya ipinagamit at ipinatutugtog ang kanyang campaign jingle, na nag-viral na nga social media.

Inamin ni Pepe na ang naturang campaign material ay, “written and produced not in accordance to the suggested standard of the Honorable Commission on Election.”

Baka Bet Mo: Korina kinarir ang superhero-themed birthday party nina Pepe & Pilar: Puro matatanda ang nasa guest list

“I’m awfully sorry for this behavior, rest assured that these materials would never be used anymore in any of my campaign activities until the end of the prescribed campaign period,” paliwanag ni Pacheco.

Matatandaang unang nag-viral ang nasabing jingle noong unang tumakbo si Pepe sa 2018 barangay elections. Ibinase ang kanta sa theme song ng Japanese anime series na “Voltes V”.

Natalo siya sa noon at ngayon ay tumatakbo uli sa kanilang barangay gamit ang “Pepe Mo, Pepe Ko” campaign jingle.

Read more...