MAY health update ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis sa kanyang social media post.
Pagbubunyag niya, nagkaroon siya ng sakit na pneumonia recently.
Bukod diyan ay inamin na rin niyang nanghihina na raw ang kanyang katawan.
“Salve talaga siguro matindi bantay sa akin ng mga angels ko. Imagine mo pati pneumonia malagpasan ko,” wika niya sa isang Instagram post.
Caption pa niya, “Pero sa totoo lang ha, ang sakit ng katawan ko at talagang ang hina na ng pakiramdam ko.”
“Talaga lang siguro na medyo matindi ang fighting spirit ko kaya nakakaya ko lahat,” ani ng kolumnista.
Kasabay niyan ay pinasalamatan niya ang mga taong patuloy siyang sinusuportahan at inaalagaan.
Kabilang sa mga nabanggit niya ay sina actor-politician na si Senador Bong Revilla, undersecretary for Traditional Media and External Affairs na si Honey Rose Mercado, Pangulong Bongbong Marcos, pati na rin ang kanyang mga doktor.
Nabanggit din ni Manay Lolit na may time na talagang nakakaramdam siya ng depression, pero ito ay nilalabanan niya dahil walang mag-aalaga sa kanyang fur baby na si Jokjok.
“Minsan nga nadi-depress ako pero maisip ko lang na baka walang mag-alaga kay Jokjok, talagang lumalaban ako sa low feeling ko,” sambit niya sa post.
Kwento pa niya, “Ang hirap magkasakit, nagkakaroon ka ng brain fog, at ang hina ng feeling mo. Pero heto nga, laban na lang hanggang kaya mo.”
“Talagang no way dahil na kay God naman desisyon sa lahat ng mangyayari. God is good kaya ilagay ko na lang sa kamay niya ang lahat,” aniya pa.
Sa hiwalay na IG post, muling ibinandera ni Manay Lolit ang kanyang nararamdamang panghihina.
“Salve talagang siguro hindi na kaya ng katawan ko rumampa masyado,” lahad niya sa post.
Paliwanag niya, “Talagang feel ko na iyon weakness sa body ng isang 77 years old woman. Feeling lola na talaga, hah hah.”
“Bongga nga na nalagpasan ko lahat kahit hanggang ngayon talagang hina pa rin katawan ko. Ayaw ko na nga halos tumayo sa kama at lagi na lang nakahiga,” kwento niya.
Saad pa niya, “Talagang ayaw ko ng maulit ma hospital pa. Hindi ko type dahil nadi-depress ako. Saka talagang mas comfortable ako sa bahay.”
Related Chika: