Joshua Garcia may 1 tanong na hirap na hirap sagutin, ano kaya yun?!

Joshua Garcia

HOPING and wishing ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na mas marami pa siyang magawang projects in the future na tulad ng “Unbreak My Heart.”

Sa huling apat na linggo ng kauna-unahang collaboration series ng ABS-CBN at GMA 7, siniguro ni Joshua at ng iba pang cast members na napakarami pang pasabog na mangyayari sa kuwento.

Sey ng binata, kailangang tutukan ng manonood kung ano ang kahihinatnan ng karakter niyang si Lorenzo “Renz” Isidro sa “Unbreak My Heart”, lalo na ngayong isa-isa nang nalalantad ang mga nakakalokang rebelasyon sa istorya.

“Napakalaki ng pasasalamat ko sa mga bossing ko na binigay nila sa akin itong trabahong ito. Matagal kong hinintay itong trabahong ito. 

“Naipapakita ko yung acting ko, yung talent ko. And sobrang thankful and grateful lang na ako yung kinuha nila. And sana mas marami pa na trabaho yung dumating para mas mapatunayan ko pa yung sarili ko,” ang pahayag ni Joshua sa naganap na finale mediacon ng “UMH” kamakailan. 

Baka Bet Mo: Joshua nag-share ng mga sikreto kina Jodi at Gabbi habang nasa Switzerland: ‘Sila ‘yung nandiyan para makinig ng kung anu-anong istorya ko’

Sey pa ng aktor, kung ikukumpara ang role niya sa serye sa previous projects niya like “Mars Ravelo’s Darna” at “Viral Scandal”, mas intense at mas challenging ito.

“Kita naman natin lahat na sobrang ibang-iba yung character ko ngayon kasi may mental problem. And ang pagkakaiba, ang laking pagkakaiba. 

“Ang laking talon nito sa career ko sa mga ginampanan kong role. Before kasi tweetums na love story. Lahat ng character ko mapagmahal sa magulang. And intense ako sa lahat, sa The Good Son and in this one. I think yun lang,” aniya.

Nang mausisa kung sinu-sino pa ang gusto niyang makasama sa kanyang future projects, “Yan yung tanong na hirap na hirap ako kasi ako, very open ako na makatrabaho lahat. 

Baka Bet Mo: Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘Unbreak My Heart’, nagpasalamat sa tulong ni Gabbi

“Kasi para sa akin, parang pag dami ng mas nakakatrabaho mong bago, dagdag growth din yun para sa akin. 

“Dagdag experience tapos gagaling ako, mas matututo ako, ayun. Basta maganda yung kuwento and ma-cha-challenge ako at maggo-grow ako,” paliwanag niya.

Napapanood pa rin ang “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m. at 11:25 p.m. sa GTV. Kasama rin ni Joshua rito sina Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Sunshine Cruz at marami pang iba.

Read more...