MAY bagong season ang “The Major Major Podcast” ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj!
Exklusibong naka-chikahan ng BANDERA ang beauty queen at sa amin niya ibinunyag ang mga dapat abangan ng kanyang listeners at fans.
Kung maaalala, noong Marso nang unang inilunsad ni Venus ang sariling podcast at ito ay nagtapos noong Hunyo.
Kinilala siyang “Ate Vee” sa show kung saan ang layunin niya ay makinig at makatulong sa mga kabataan na may pinagdadaanang mga isyu at problema sa buhay.
Pero bago ang lahat, lubos na nagpapasalamat si Venus sa naging tagumpay ng kanyang kauna-unahang podcast.
Ayon kay Venus, kahit siya hindi makapaniwala na marami ang tumatangkilik at na-iinspire sa kanyang show.
“Na-surprise kami talaga na ‘yung first season, in-embrace talaga siya ng listeners and ng online community…Nakita namin kung gaano kalaki ‘yung impact na nagawa ng show,” sey niya.
Dagdag pa niya, “So I’m really happy na ‘yung show natin na parang pakiramdam namin ay maliit siya, tapos hindi ganun kalaki ‘yung ginagawa nating promotion sa show, pero ‘yung impact na nagagawa ‘nung doon sa individual stories ng mga tao, samin malaking bagay ‘yun.”
Bukod sa marami ang nakikinig sa kanyang podcast, ibinunyag din ni Venus na marami rin ang nagpapadala ng sulat sa kanya.
Aminado siyang hindi nila nafi-feature lahat, pero gumagawa naman daw siya ng effort na tawagan isa-isa ang mga letter sender upang mabigyan pa rin sila ng advice.
“Maraming nagpapadala sa atin. Actually, ang kagandahan ‘nung nag-season break tayo, nagkaroon tayo ng time to get and to receive the letters from our letter senders,” sagot sa amin ni Venus.
Kwento niya, “May mga hindi na-feature ‘nung first season, ang ginawa namin, tinawagan namin sila at kinausap natin over the phone.”
“Minsan tinatawagan din natin ‘yung letter sender to ask if meron bang improvement or may nabago ba dito kasi minsan ‘Ay, hindi na po ganyan ‘yung situation ko ngayon,’ ‘ay, hindi na po ganyan ‘yung emotions ko ngayon.’ So kapag may update, we also ask them para we can include that in the story that we’re about to feature,” chika pa niya.
Pagdating naman sa panibagong season ng “The Major Major Podcast,” mukhang nag-level up si Venus sa magiging content niya.
Bukod kasi sa mga sulat, magkakaroon din daw siya ng interview mula sa mga ordinaryong tao na nais magbigay ng inspirasyon sa madlang pipol.
“For this season, ganun pa rin, the goal is to encourage, to inspire, to listen to people’s stories,” sambit ni Venus.
Patuloy niya, “Pero siguro we want to add another layer to it na hindi nalang ‘yung featured stories ng mga letter senders. We also want to feature other people’s stories through interviews.”
“So parang ang idea is, the story that we will feature are really stories-centric not personality-centric kasi gusto rin natin ipalabas ‘yung kwento ng mga taong kakilala natin, mga taong hindi kailangan celebrity. Ito ‘yung mga taong may magaganda silang kwento na pwedeng i-share,” paliwanag niya.
Paliwanag pa niya, “So we’re thinking of maybe gathering of few of our letter senders and maybe few of those people that have listened to us, and then, you know, just have an interaction with them para din makita nila na they can ask questions anytime, and we can also share our story to them and then share their story to us.”
Kung may major, major concerns kayo sa life at gustong humingi ng advice mula kay Ate Vee, magpadala lang kayo ng sulat sa pamamagitan ng email: themajormajorpodcast@gmail.com
Ang second season ng “The Major Major Podcast” ay mapapakinggan at mapapanood sa Spotify, Apple Podcast at YouTube simula November 3, tuwing Biyernes, 7 p.m.
Related Chika:
EXCLUSIVE: Venus Raj may mensahe sa beauty queens; Sikreto para maging fit at healthy