TULAD ng mga nagdaang taon, magkakaroon ulit ng panibagong “operating hours” ang mga mall sa Metro Manila sa Nobyembre.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para maibsan ang mas matinding trapiko sa darating na Christmas season.
Simula November 13 hanggang January 8, ang mga mall ay magbubukas simula 11 a.m. at magsasara ng 11 p.m.
“Gusto rin naming i-stretch ‘yung oras ng mga malls, para may option ‘yung ating mga kababayan na kung gusto magpagabi, ma-spreadout natin ‘yung [mga] sasakyan [sa kalsada] sa mas mahabang oras,” sey ni MMDA acting chairperson Don Artes sa press conference.
Baka Bet Mo: Website ng House of Representative ‘pinuntirya’ ng hackers
Bukod diyan, magkakaroon din ng adjustment ang shopping malls pagdating sa “delivery schedule.”
Papayagan lamang ito mula 11 p.m. hanggang 5 a.m. mula November 13 hanggang January 8, ngunit ang paghahatid ng mga “perishable goods” o nabubulok na produkto ay hindi kasama sa bagong operating hours.
Sinabi rin ni Artes na dapat magsumite ang mga mall operator ng “traffic management plans” dalawang linggo bago ang anumang mall-wide sales o promotional event.
Dagdag pa niya, ang mga mall-wide sale at events ng mall ay pupwedeng gawin tuwing weekends lamang.
“Para ma-augment namin [ang traffic management], ito po ay para po masiguro na ‘yun pong mga events na ‘yan at mga sales ay hindi pagmumulan o magiging sanhi ng traffic,” sambit ng MMDA acting chairperson.
Paglilinaw naman ni Artes na ang individual stores o outlets sa loob ng mall ay pupwedeng magsagawa ng sale tuwing weekdays, ngunit hindi sila pupwedeng magkaroon ng public announcements o kahit ano mang advertisement sa labas ng mall.
Read more:
Ogie Diaz sa pagbagsak ng sales ng online shopping app: Puro ang turo ng daliri kay Toni