Piolo nagsalita na sa chikang nabuntis daw niya si Shaina; maraming pasabog sa ‘Ultimate Night’ concert sa Newport Resorts World

TAWA lang nang tawa ang Kapamilya actor at TV host na si Piolo Pascual nang tanungin namin tungkol sa chikang nabuntis daw niya si Shaina Magdayao.

Kumalat kasi ang balita na pregnant umano ang aktres ngayon at ang itinuturong tatay nga ay walang iba kundi ang Ultimate Leading Man na si Papa P.

Kahapon, sa presscon ng award-winning actor para sa concert niyang “An Ultimate Night with Piolo” na gaganapin tonight, October 30, sa Newport Resorts World, sinagot nga ni Piolo ang nakakalokang chika about him and Shaina.

Diretsahan naming tinanong si PJ kung ano ang naging reaksyon niya nang biglang mapabalitang nabuntis daw niya si Shaina.

Super laugh lang ang binata sa chika at pabiro rin niyang sinagot ang question namin kung ano ang naging reaksyon niya sa kumalat at nag-viral na tsismis, “Siyempre ang daming nagtatawag sa akin.

Baka Bet Mo: Kylie naloka sa chikang nabuntis daw siya ni Gerald: Nakakainis! It’s so out of this world!

“Sabi ko, di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin, e. Ha-hahaha! Know for yourself, ‘di ba? Buti pa kayo alam,” ag tawa pa rin nang tawang sey ni Papa  P.

Pero inamin naman niya na espesyal pa rin sa puso niya si Shaina pero ayaw muna niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

“Tingnan po natin anong mangyayari. First there is pressure in the family, in the society and she’s good friends with my family.

“She’s always in our celebration. Let’s see. It’s just for now, I’m really busy and It’s just something I don’t have any time for so I don’t wanna be unfair,” aniya pa.

Samantala, ngayong gabi na magaganap ang inaabangang “An Ultimate Night with Piolo” Newport Performing Arts Theater in Newport World Resorts sa Pasay City.

This is produced by Cornerstone Entertainment and directed by Johnny Manahan.

“The goal is to not make it look like a variety show. Feeling ko lang naman legit singer ako. Pagbigyan n’yo na ‘ko! Ha-hahaha!” ang chika ni Papa P sa kanyang presscon kahapon sa KAO Manila restaurant sa Newport Mall.

“I have a nine-piece band. I have a horn section. I have a full band and a backup. I was in the studio, iniikot ko ’yung rehearsal area, tuwang-tuwa ako. Naririnig mo ’yung sax, naririnig mo ’yung violin.”

“Kinikilig ako to be able to perform, to be able to sing with these talents na talaga namang, wow! Sabi ko nga, ang sarap pakinggan,” aniya pa.

Special guest niya sa concert sina Erik Santos, Jericho Rosales at Arnel Pineda. Bukod dito, may isa pang female artist na makakasama si PJ sa show.

“Nakakatuwa. We have a really solid lineup, not just the guests. But all through my 25 years in this industry, all the songs I’ve recorded for the shows, movies, albums.

“It’s definitely a trip down memory lane. And some songs I grew up singing. And probably some grooving here and there. A fun night to celebrate life,” aniya pa.

Related Chika:

Hello! Buntis? Sa tingin n’yo papatulan ako ni Kuya Wil? – Hipon Girl

Read more...