True ba, Liza Soberano hindi na mina-manage ni James Reid?

True ba, Liza Soberano hindi na mina-manage ni James Reid?

PHOTO: Instagram/@james

TOTOO kaya ang kumakalat na chismis na iniwan na ng aktres na si Liza Soberano ang talent management ni James Reid na Careless?

Ayon sa recent episode ng “Marites University,” ang tiyahin na raw umano ni Liza ang nagma-manage sa kanya.

“Ayon po sa aking very reliable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza under the management of Careless and also even kay James [Reid] wala na raw,” pagbubunyag ni DJ JhaiHo sa nasabing showbiz show.

Kwento pa niya, “Parang ang sabi, ‘Sa Careless, hindi na siya mina-manage, kung hindi Tita niya na ulit ang nagma-manage sa kanya’.”

Wala pang pahayag tungkol diyan ang kampo ni Liza at James, pero tila pinabulaanan na ‘yan agad ng aktor sa isang Instagram post.

Bukod sa girlfriend niyang si Issa Pressman, makikita sa pictures na kasa-kasama rin ni James sa isang event launching si Liza.

Baka Bet Mo: Liza Soberano pinayuhang magpalit ng management, sey ni Direk Benedict Mique: You are being handled not only by careless but stupid people

Kung matatandaan, June 2022 nang lumipat si Liza sa pangangalaga ng Careless, ang record label at management agency ni James.

Kasunod niyan ay naging “talk of the town” ang inilabas na YouTube vlog ni Liza kung saan inihayag niya ang tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay at bagong karera.

Isa sa mga nabanggit ng aktres ay ang naging transition niya sa talent management ni James.

marami ang nadismaya at hindi sumang-ayon sa mga naging pahayag ng dalaga tungkol sa bagong direksyon ng kanyang karera.

Pero ayon kay Liza, sa dinamirami ng management companies na lumapit sa kanya, ang napusuan niya ay ang startup company ni James dahil ito lang daw ang nagbigay sa kanya ng kalayaan upang gawin ang kanyang gusto.

Aware daw si Liza na marami ang nagulat sa biglaan niyang pagpapalit ng hahawak sa kanya, pero ang hindi raw naiintindihan ng marami ay dito siya masaya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay namili para sa kanyang sarili.

Marami na raw ang nangyari mula nang mapunta siya sa ilalim ng management ni James.

Isa na raw riyan ang pagpunta niya sa South Korea na kung saan ay nakilala niya sa personal ang ilang paborito niyang Korean stars, pati na rin ang pagsabak niya sa Hollywood film na “Lisa Frankenstein” na kung saan ay naging kaibigan pa niya ang bida ng pelikula na si Catherine Cole at ang direktor nito na si Zelda Williams.

At speaking of Hollywood film, inanunsyo na pala recently kung kailan ipapalabas ang “Lisa Frankenstein.”

Mapapanood ang pelikula sa United States sa darating na February 9, 2024, habang wala pang anunsyo para sa premiere date pagdating sa Philippine theaters.

Ang “Lisa Frankenstein” ay umiikot sa isang teenager na gagampanan ni Kathryn na umibig sa isang gwapong bangkay na gagampanan naman ni Cole. 

Habang si Liza ay gaganap bilang “Taffy,” ang stepsister ni Kathryn. 

Related Chika:

Read more...