Diether Ocampo takot magpakasal, bakit kaya? | Bandera

Diether Ocampo takot magpakasal, bakit kaya?

Therese Arceo |October 19,2023
facebook
share this

Diether Ocampo takot magpakasal, bakit kaya?

Therese Arceo - October 19, 2023 - 04:03 PM

Diether Ocampo takot magpakasal, bakit kaya?

INAMIN ng aktor na si Diether Ocampo na may takot siyang nararamdaman sa pagpapakasal.

Sa kanyang naging panayam sa newscaster na si Korina Sanchez kamakailan ay napag-usapan nila ang kanyang buhay at pagpasok sa showbiz.

Nausisa nga ng newscaster ang mga nagdaang relasyon ni Diether lalo na sa kanyang mga naging leading lady.

“Ilan sa mga leading lady mo ang nakatuluyan mo?” tanong ni Korina.

Sagot naman ni Diether, “Halos lahat naman silang lahat, naging malapit sa akin. Iisa lang naman ata ang nakatuluyan ko. Alam naman ng publiko.

“Pero masaya naman ako na hanggang ngayon ay naging magkakaibigan kami. Kapag nagkikita kami, kahit na may sari-sarili na silang mga [buhay], looking back… masaya ako na nakilala ko sila.”

Sumunod na tanong sa kanya ay kung bakit hindi sinubukan ni Diether ang pasukin ang pulitika kahit na mayroon siyang pagkakataon.

Aniya, may mga bagay raw siyang alam niyang hindi niyw kauang gampanan at kung papasok siya sa isang bagay ay dapat kaya niya itong panindigan.

Baka Bet Mo: Diether Ocampo pangarap gumanap ng mga historical character, sey ni Korina Sanchez bagay siyang mag-Emilio Aguinaldo

“Ayaw kong ipilit ‘yung sarili ko sa bagay na pagdating ng panahon sasabihin ko, teka ba’t ko nga ba pinasok ‘to?” dagdag pa ni Diether.

Singit naman ni Korina, “Tulad ng kasal?”

“Ang kasal naman kasi, hindi para sa lahat. Malaki ang respeto ko sa kasal lalo na sa mga kaibigan ko at mga kasamahan ko sa pamilya na tumatagal ‘yung kanilang pagsasama,” sagot ni Diether.

Bukod pa rito, hindi raw madali ang pagpapakasal lalo na kung lumalaki ang pamilya at kayong mag-asawa ay may mga ginagawang salungat sa interes ng bawat isa na sumusubok sa pasensya.

“Marami na akong mga kaibigan din na dumaan diyan at ako eh naging saksi. Napanghingan din ng sama ng loob. At masakit na makita mo na nagkaganoon sila. Ayaw kong mangyari sa akin ‘yun. Natatakot ako pero alam ko naman na darating din ang panahon na kailangan ko rin ng may katuwang,” sey pa ni Diether.

Masaya pa rin daw sa pakiramdam na umusi sa tahanan na may naghihintay sa myo at pagkukuwentuhan mo ukol sa mga nangyari sa iyong araw na makapagbibigay inspirasyon at motibasyon sa kanya.

“At ‘yun ang hindi minamadali. Kung darating, darating… Hindi minamadali ang mga ganyang [bagay],” giit pa ni Diether.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Piolo ibinunyag na may reunion project kasama sina Diether, JLC, Jericho: ‘It could turn into a TV series or movie’

Diether 7 taon nawala sa showbiz, naging choosy na ba sa projects?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending