Mga Laro Bukas
(The Arena)
4 p.m. EAC vs Mapua
6 p.m. San Beda vs
Arellano
SAPAT ang ipinakitang lakas ng San Sebastian sa huling yugto upang angkinin na ang huling upuan sa Final Four ng 89th NCAA men’s basketball sa pamamagitan ng 69-62 panalo sa St. Benilde kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sina Leo De Vera, Jamil Ortuoste at Jaymar Perez ang nagtulung-tulong sa 11-4 atake upang makalayo na ang Stags mula sa 56-53 iskor at tapusin ang kampanya sa eliminasyon bitbit ang 11-7 baraha.
Si Perez ay mayroong 17 puntos habang sina Ortuoste, Perez at Mark Tano ay nagtala ng tig-10 puntos para tapusin na rin ng Stags ang laban ng Emilio Aguinaldo College.
Sa 9-8 baraha, ang Generals ay may isang laro pa kontra sa Mapua pero hindi na nila maaabutan ang 11 panalo ng Stags.
May isang laro pang haharapin ang San Sebastian at ito ay laban sa Perpetual Help sa Okt. 29.
Playoff ang magaganap dahil magkasalo ang dalawa sa 11-7 baraha at kailangang paglabanan ang final seeding sa crossover semifinals.
Ang San Beda at Letran ay parehong may twice-to-beat advantage na pero hindi pa rin batid kung sino ang magiging number one at two sa liga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.