HANDOG ng Gilas Pilipinas veteran na si June Mar Fajardo ang napanalunang Asian Games gold medal sa kanyang yumaong ina na si Marites Fajardo.
Sa isa sa kanyang Instagram post ay isang nakakaantig na mensahe ang inialay ng beteranong basketbolista para sa ina.
“Gold medalist na akong Mama! [emojis]” saad ni June Mar.
Dagdag pa niya, “Wish I could put this medal around your neck Ma!”
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol at sa kanyang mga kaibigan ang naturang post ni June Mar.
“Proud ang mama mo sau hindi lang dahil nanalo ka ng gold medal kundi dahil mabait kang tao,” saad ng isang netizen.
Baka Bet Mo: Ika-6 PBA Best Player of the Conference nauwi ni June Mar Fajardo
Comment naman ng isa, “Salute boss june mar. Ramdam kita aq din gus2 q lahat ng achievements q sa buhay masaksihan nila mismo kaso wla na. Kaya ginagawa q magpakabuting tao tulad ng payo lagi nila sken.”
“Super proud ang mama mo sayo..at i know sya din ang guardian angel mo sa bawat laro mo,” sey ng isa pang netizen.
Hirit naman ng isa, “Your mother is watching from heaven and she will be so proud of you, kuya June Mar!”
Matatandaang nitong buwan lang nang magtala ng bagong record sa kasaysayan ang Gilas Pilipinas matapos itong magkamit ng kauna-unahang gold medal para sa men’s basketball mula noong 1962.
Isa si June Mar sa miyembro ng Gilas Pilipinas na naglaro sa Asian Games na ginanap sa China.
Siya rin ay anim na beses na kinilala bilang Most Valuable Player (MVP) sa PBA.
Samantala, sumakabilang buhay ang kanyang ina noong 2021.
Related Chika: June Mar Fajardo napiling PBA Player of Week
Pau Fajardo ayaw nang magdyowa ng basketball player: Hindi na talaga