Pia takot na takot noon sa mga pusa: ‘My gosh! Cats are so easy pala, you only have to teach them ONCE!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Pia Wurtzbach at Lucas
MATINDI ang takot na nararamdaman ng actress-beauty queen at TV host na si Pia Wurtzbach kapag nakakakita siya ng mga pusa.
May kakaiba raw siyang napi-feel na hindi niya maipaliwanag kapag may pusa sa paligid. Ito ang dahilan kung bakit never siyang nagkaroon ng alagang pusa noong bata pa siya.
Pero bigla raw itong nagbago nang makilala niya ang pet cat ng kanyang pinsan na si Lucas.
Sa pamamagitan ng kanyang social media account, nai-share ni Pia ang kanyang naging journey sa pagiging proud cat lover kasabay ng pagdiriwang ng Global Cats Day last October 16.
Sa kanyang Instagram post, inamin nga ni Pia na takot siya noon sa mga pusa, “Story time! Never in my life did I imagine that I would like cats.
“I used to be scared of them because I didn’t have much experience with cats during my childhood,” simulang pagbabahagi ng ating 2015 Miss Universe.
Pagpapatuloy pa ng asawa ni Jeremy Jauncey, “Even in my adult life, whenever I’d visit friends who had cats, I would always be so nervous touching, petting, carrying them…because I didn’t know how!”
At nagbago nga ang lahat nang makita at makilala niya ang pusa ng kanyang cousin.
“Until I met Lucas. @lucas.whereareyou was adopted by my cousin Charity @anellecharity and for those who have been following me, Charity works very closely with me.
“We’re also neighbors and so Lucas would always come over to visit. Lucas is playful, malambing and so sweet with my pamangkins Lara & Logan,” rebelasyon pa ni Pia.
Nagulat din daw siya nang malaman niyang napakadali palang alagaan ng mga pusa dahil nga sa naging experience niya kay Lucas simula nang dumating ito sa buhay niya.
“My gosh.. cats are so easy pala. You only have to teach them ONCE where the cat litter is and that’s it. Automatic na. They know where to go.
“They’re independent, don’t need constant attention, and have simple joys in life. Expensive toys? No way. Lucas loves an empty cardboard box and will have fun for hours,” pagbabahagi pa ng aktres.
Dagdag pang chika ni Pia, “I am officially converted. Lucas is now part of our family and even made it to my recent shoot with @cosmopolitan_philippines. I adore this cat so much. We love you, Lucas!”
Sa comments section ng IG post ni Pia, marami ang naka-relate sa naging karanasan niya sa mga pusa at nagsabing certified “converted” din sila.
“So true. Cats are the cutest and sweetest.”
“Agreed!!!! Super dali sila turuan and they are happy with the most simple things.”