Sylvia naging photog, taga-video nina Arjo at Maine: ‘It feels so great to be a mother-in-law lalo na ‘pag kasundo mo ang daughter-in-law mo’

Sylvia naging photog, taga-video nina Arjo at Maine: 'It feels so great to be a mother-in-law lalo na 'pag kasundo mo ang daughter-in-law mo'

Arjo Atayde, Maine Mendoza at Sylvia Sanchez

MAY bonggang pa-shoutout ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez para sa kanyang daughter-in-law na si Maine Mendoza.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinandera ng Kapamilya actress ang sobrang kaligayahang nararamdaman para kay Maine at sa anak niyang si Congressman Arjo Atayde.

Ibinahagi ni Ibyang sa kanyang FB followers ang mga litrato niya kasama ang celebrity couple na kuha sa pagta-travel at pagbabakasyon nila sa ibang bansa.

Sa kanyang caption, muling sinabi ng premyadong aktres na mahal na mahal niya si Maine at nagpapasalamat siya sa Diyos na ang TV host-actress ang napangasawa ng kanyang anak.

Sey ni Sylvia sa caption, “This is a first for me.

Baka Bet Mo: Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

“It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pag kasundo mo ang Daughter In Law mo.

“What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter Maine Mendoza,” bahagi ng mensahe ni Ibyang.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa.


“Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.
Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments.

Baka Bet Mo: Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

“At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo,” dugtong pa ni Sylvia.

Sa huling bahagi ng kanyang FB post, looking forward na raw ang aktres sa next trip nila ni Maine kasama ang buong Atayde family.

“Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya. Soon! Yahoooo!!!!!!

“Loving You both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness. Love you my kiddos!” sey pa ni Sylvia.

Read more...