Jane de Leon bumusina kay Janine Gutierrez: ‘Crush ko kasi talaga si Paulo Avelino, alam niya ‘yun!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Jane de Leon
HANGGANG ngayon ay umaasa pa rin ang Kapamilya actress na si Jane de Leon na makakatambal niya sa isang project si Paulo Avelino.
Hindi maitago ni Jane ang nararamdamang excitement at kilig kapag napag-uusapan ang kanyang ultimate showbiz crush.
“Ito po kasi talaga, muntik na muntik ko na siyang makatrabaho. Crush ko kasi talaga siya si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon,” ang chika ng dalaga sa panayam ng “Star Magic Celebrity Conversations.”
Pero agad namang ipinaliwanag ni Jane na walang halong malisya ang paghanga niya kay Paulo kaya wala raw dapat ipangamba ang rumored girlfriend ng aktor na si Janine Gutierrez.
“Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista.
“‘Yun ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porke crush ko siya, siyempre hinahangaan, magaling kasi siyang artista.
“Parang kinakain ako ng upuan. Ahhh, Janine, trabaho lang,” ang napapangiting biro ng dalaga na huling napanood sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna.”
Samantala, naibahagi rin ni Jane ang kanyang dream role, “Marami. Siyempre hindi naman matatapos lahat sa Darna. Sinasabi ko nga kay Lord, baka ito pa lang ang umpisa, ganyan. Marami, eh.
“Alam mo ‘yung ‘Split,’ ‘yung iba-iba ‘yung mga personality. I want to try that gusto ko ma-challenge ang sarili ko.
“Then other than gusto ko rin makapapag-explore out of the country kasi I really love my craft so much.
“Pumasok naman ako rito not just for the fame or for money but of course I really love my craft,” sabi pa ng aktres.
At sa tanong kung ano ang expectation niya sa kanyang buhay at careet five years from now, “A successful lady, ‘yun talaga. But siyempre may plan for rin si Lord for me.
“So no matter what kung ano man ‘yon, alam ko na may ibibigay Siya sa aking lesson to grow,” paliwanag ni Jane de Leon.