SCTEX magtataas na ng singil sa toll fee simula Oct. 17

SCTEX magtataas na ng singil sa toll fee simula Oct. 17
INQUIRER file photo

ABISO sa mga motorista na dumadaan at balak dumaan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX!

Simula October 17, magtataas na ng singil sa toll fees ang nasabing expressway way.

Ang mga bibiyahe sa pagitan ng Mabalacat City, Pampanga at Tarlac ay sisingilin ng karagdagang P25 para sa Class 1 na sasakyan habang ang Class 2 at Class 3 na sasakyan ay magbabayad ng karagdagang P50 at P75, respectively.

Ang NLEX Corporation, na nagpapatakbo ng SCTEX, ay nagtaas din ng toll fee sa Mabalacat City at Tipo, Hermosa sa Bataan (malapit sa Subic Freeport) ng P40 para sa Class 1, P81 para sa Class 2 at P121 para sa Class 3 na sasakyan.

Baka Bet Mo: Walang ‘final destination’ ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon – Jeremy G

Ang mga maglalakbay naman sa end-to-end ng Tipo at Tarlac ay kailangang magbayad ng karagdagang P65 para sa Class 1, P131 para sa Class 2 at P196 para sa Class 3 na sasakyan.

Ang dagdag-singil ay inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) noong August 16 kung saan bahagi ito ng “authorized periodic adjustments” ng kompanya.

Ipinaliwanag din ng NLEX Corporation na ang ipinatupad na mga toll hike ay ang una sa tatlong tranches ng toll rate adjustments.

Sa inilabas na pahayag, tiniyak ng TRB na ang pansamantalang pag-aprub sa toll fee ay sumailalim sa masusing pagsusuri.

“NLEX Corp. had to comply with all the procedures and requirements, including the publication and posting of surety bond, before the Notice to Start Collection was issued on August 16, 2023,” saad ng ahensya.

Aniya pa, “These provisional toll rate adjustments shall still be subject to further review by the TRB pursuant to its existing rules.”

Read more:

Zaijian nabigyan na ng house & lot at sasakyan ang pamilya; Amy may warning sa mga motorista

Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte

Read more...