Madlang pipol botong-boto sa menor de edad na karelasyon ni Ka Freddie
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nasa gitna ng usapan si Kaka Freddie Aguilar. Palagi siyang laman ng mga pahayagan ngayon, laging bida sa mga talk shows, libreng publisidad ang nakukuha ngayon ng magaling na singer dahil sa sinasabi ng DSWD na maling pakikipagrelasyon niya.
Pero kung bilangan ng ulo ang gagawing botohan ay panalong-panalo si Ka Freddie, kakampi niya ang husgado ng bayan, katwiran ng mas nakararami ay sinusunod lang niya ang sinasabi ng kanyang puso.
Ganu’n din ang aming pananaw sa senaryong kinapapalooban ni Ka Freddie ngayon, kung may kalayaan tayo sa pamamahayag at sa pagsamba, meron din tayong kalayaang magmahal at mahalin.
Hanggang wala silang sinasaktan at sinasagasaan ay walang mali sa kanilang ginagawa, silang dalawa lang ang makapagbibigay sa isa’t isa ng uri ng kaligayahang hinahanap nila, walang ibang makapaghahandog nu’n sa kanila kundi silang dalawa lang.
At nasaan ba ang problema? Kinausap na ng DSWD ang mga magulang ng disisais anyos niyang karelasyon, sinabi ng mga ito na hindi sila kontra sa pakikipagrelasyon ng dalagita kay Ka Freddie, nasaan ngayon ang anggulo ng problema du’n?
Ang mga anak din ng singer ay boto sa babae at sa kanilang relasyon, labingdalawang taon nang hiwalay si Ka Freddie sa kanyang huling pakikipagrelasyon, nasaan uli ang anggulo ng problema du’n?
Kung may asawa si Ka Freddie at kung may karelasyon din ang babae ay may problema sa kanilang relasyon, pero dahil pareho naman silang malaya, sa ikatlong pagkakataon ay gusto uli naming itanong kung nasaan ang anggulo ng problema du’n?
Kung minsan ay masyadong nagiging abala ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagbibigay ng panahon sa mga problemang hindi naman sila dapat ang manghimasok, napapabayaan tuloy nila ang mga mas mahahalagang aspeto ng kanilang trabaho, at du’n sila napapansin ng sambayanan.
Hanggang ang puso ay puso ay walang giyerang pananalunan ang kahit sinong nakikialam. Ganu’n lang kasimple ang batas ng pagmamahalan. Walang labis at walang kulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.