Ricardo Cepeda at Marina Benipayo
SIGURADONG mas lumalakas pa ang loob ngayon ng veteran actor na si Ricardo Cepeda dahil sa natatanggap na suporta mula sa mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz.
Nakakulong pa rin hanggang ngayon si Ricardo sa Camp Karingal, Quezon City dahil sa 23 counts of syndicated estafa na isinampa laban sa kanya.
Inaresto ang aktor ng mga pulis noong October 7, sa Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Gemma Bucayo-Madrid ng Regional Trial Court Branch 12 ng Sanchez Mira, Cagayan.
Mariing pinabulaanan ni Ricardo ang lahat ng akusasyon sa kanya at ipinagsigawang wala siyang kasalanan. Endorser lang daw siya ng inirereklamong kumpanya.
Baka Bet Mo: Ricardo Cepeda sa pagkakulong dahil sa estafa: I was shocked! Hindi ko alam na may mga warrant ako!’
Isang linggo nang nasa kulungan si Ricardo at walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan pero umaasa siya na isang araw ay mapapawalang-sala rin siya.
Bukod sa kanyang partner na si Marina Benipayo at stepson na si Joshua de Sequera, ipinagtanggol din siya ng kanyang anak kay Snooky Serna na si Sachi Go.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Sachi ng kanyang nararamdaman sa pag-aresto at pagkakakulong sa kanyang ama.
“Just posting now because there is a lot of misinformation going around. Have not spoken as there are many legal elements to consider, but the amount of problematic assumptions requires some clarity,” ang simulang pagbabahagi ng anak nina Ricardo at Snooky.
Pagpapatuloy pa niya, “But the bottom line is — my dad, Richard Cepeda Go, has been wrongfully accused and yet is being detained. The case is against a company that merely hired him as a brand ambassador.
“This role, as anyone in advertising would be aware of, is merely a title that is given to celebrity endorsers and influencers.
Baka Bet Mo: Ricardo Cepeda ipinagtanggol ng anak matapos maaresto dahil sa estafa: ‘Please spread the word, my father was wrongfully accused’
“This role has no connection to the inner workings of any business, most especially when it comes to handling the finances and partnerships of said company.
“While I can’t speak on too many details on this case, it’s cut and dry that my father has nothing to do with the accusations. The only reason he is being tied to it is because of a surface level brand deal.
“This suit is like assuming every influencer you see is personally responsible for the brands that they are promoting.
“I’m hoping this provides at least some much-needed clarity. It’s important that our justice system upholds the truth, and the truth is that my father is innocent,” ang kabuuang mensahe ni Sachi Go.
Hindi pa nagsasalita ang ex-wife ni Ricardo na si Snooky tungkol sa kasong kinasasangkutan ng aktor.
Samantala, dinalaw naman ng ilang mga kaibigan sa showbiz si Ricardo sa kanyang selda nitong nagdaang araw. Kabilang sa mga nagpakita ng suporta sa aktor ay sina Sen. Robin Padilla, Nadia Montenegro, Jay Manalo, at Lorenzo Mara.