Ricardo Cepeda arestado dahil sa kasong syndicated estafa
HIMAS-REHAS ngayon sa kulungan ang veteran actor na si Ricardo Cepeda matapos arestuhin ng mga pulis dahil sa kasong syndicated estafa.
Base sa ulat, nakorner ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang aktor sa Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court Executive Judge na si Gemma Bucayu-Madrid.
Nahuli si Ricardo o Richard Cesar Go sa tunay na buhay, sa isang restobar sa No. 101 A Mabini street, Maypajo, Caloocan, matapos makatanggap ng report ang otoridad tungkol sa kinaroroonan ng aktor dakong alas-11 ng umaga.
View this post on Instagram
Ang nasabing police operation ay pinangunahan ng mga tauhan ng QCPD Warrant section sa pangunguna ng hepe nitong si P/Capt. Joseph Valle.
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa basher na pinagdiskitahan ang kanyang estafa case: ‘You don’t know the whole story’
Dinala sa QCPD headquarters sa Camp Karingal si Ricardo for proper documentation. Hindi naman daw nanlaban ang aktor nang dakpin ng mga pulis.
Sabi pa sa report, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng aktor.
Wala pang inilalabas na official statement ang aktor hinggil sa pagkakadakip sa kanya. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Ricardo Cepeda at ng kanyang pamilya.
NBI nilinis ang pangalan ni Luis Manzano, hindi isinama sa mga kinasuhan ng syndicated estafa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.