Dimples Romana ‘nilaglag’ ang ka-loveteam na si Christian Vasquez: ‘Si Kuya ang pinakamahiyain na hambog na makikilala mo!’

Dimples Romana 'nilaglag' ang ka-loveteam na si Christian Vasquez: 'Si Kuya ang pinakamahiyain na hambog na makikilala mo!'

Christian Vasquez at Dimples Romana

SA halos isang taong pag-ere ng Kapamilya action-drama series na “The Iron Heart“, napakaraming babauning magagandang alaala ni Dimples Romana.

Bukod sa napakagandang role na ginampanan niya sa programa, hinding-hindi rin niya makakalimutan ang buong cast and production dahil parang tunay na pamilya na ang naging turingan nila sa isa’t isa.

Sa grand finale presscon ng “The Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, natanong si Dimples kung anu-anong ang mga kaganapan sa kanilang shooting ang talagang nagmarka sa kanya.

“Yung pinaka-memorable sa akin ang dami na kasi. Pero yung pinaka-memorable sa akin siguro yung when we all eat together.


“Nagsa-salo-salo together kami kasi masarap din ‘yong pinuntahan namin eh, like sa Cebu, masarap ‘yong lechon and foods. And in Iloilo masarap ‘yung siopao. I think the most common thing na hindi ko malilimutan sa cast at sa crew din, ha!” pagbabahagi ng award-winning actress.

Baka Bet Mo: Christian hinding-hindi malilimutan ang nakakalokang eksena nila ni Dimples sa ‘The Iron Heart’: ‘Lahat ng laway niya, pumunta sa mukha ko!’

Patuloy pa ni Dimples, “Alam mo kami sa init, sa lamig, parang it’s a marriage with different kinds of people. It’s a very good group of nice people who came together, who celebrate with one another and all our gifts together.

“Kasi ang Iron Heart naman ay hindi lang itong nasa table na ito ha, mostly alam mo ‘yong mga stunt women and men namin they take up more than half of what we even done here.

“Kung hindi namin tatalunin, sila ang tatalon, ‘pag hindi namin kaya humiga, sila yung hihiga. Ako if you ask me, they are more than a hero than we are here. Yun yung hindi ko makakalimutan kasi we know them by name,” ang pagpupugay pa ng aktres sa mga kasamahan nila sa serye na tumagal din ng mahigit 11 months.

Isa pa sa mga memorable moments ni Dimples while doing “The Iron Heart”, ay ang mga off-cam chikahan at kulitan nila ng kanyang “ka-loveteam” sa series na si  Christian Vasquez.

“So I just wanted to let you know na yun yung yung mga hindi ko makakalimutang moments talaga bukod sa bonding naming lahat. Alam mo kung bakit? Kasi si Kuya (Christian) ang pinakamahiyain na hambog na makikilala mo.

“Kuya, alam mo ba para maging si Orcus siya, two hours ko siyang binobola bago ‘yung eksena. ‘Gwapo talaga ni Kuya. Grabe talaga ‘yang abs niyan. Grabe talaga.’


“Alam mo para na nga akong Ilonggo kapag nagsasalita kasi ganu’n siya. Alam mo bakit siya nakayakap sa ‘kin? Kasi may binubulong, tama na raw kasi nanonood si Ate Ara (dyowa ni Christian). Ha-hahaha! Maganda din yun,” chika pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Payo ni Dimples sa lahat ng magulang: isa-isang kilalanin ang mga anak at hayaang magpakatotoo sa sarili

Dugtong pa niya, “So basically we were very collaborative, kami lalo ni kuya. We worked hand in hand. Kumbaga makulit kami kaya nag wo-work.

“Kaya lang siyempre, palagi kaming napagsasabihan kasi nga may eksenang seryoso kaya sinasabi nila direk na wala munang Orcus at Selene dito na makulit ‘ha? Ha-hahaha!” sey pa ni Dimples.

Samantala, pinapurihan din niya ang staff and crew ng “The Iron Heart”, “We will not forget, it is not only the people you can see onscreen who worked hard for the show but even the ones who cannot see. Especially the ones you cannot see.

“They really worked really hard. So yung mga staff and crew din coming from Iloilo and Cebu And siyempre all the women din of all Star Creatives wala sila rito kasi nasa Can’t Buy Me Love na sila. Wala sila rito, nasa DonBelle na sila. Nagtratrabaho na sila ulit,” sey pa ni Dimples na ang tinutukoy ay ang bagong serye nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Read more...