Lovi pinadugo ang puso ni Jake: ‘Yun ang matinding heartbreak! | Bandera

Lovi pinadugo ang puso ni Jake: ‘Yun ang matinding heartbreak!

- October 25, 2013 - 03:00 AM

JAKE CUENCA AT LOVI POE

INAMIN ni Jake Cuenca na wala na talagang namamagitan sa kanila ni Lovi Poe, as in magkaibigan na lang daw talaga sila.

Kasabay nito, inamin ni Jake na hanggang “date-date” lang sila ng Kapuso actress at hindi umabot sa seryosong relasyon.

Ayon sa hunk actor na muling mapapanood sa pelikulang “Status: It’s Complicated”, this year lang natapos ang kung anumang meron sila ni Lovi, “You know, we saw each other for a long time. Whatever we had, pareho naman kaming nag-enjoy,” anang binata.

“Sa mga panahon ngayon, magkaibigan kami. Siyempre, these past few months, I said, kaya nga hindi ako nagmamadali.

“Yun nga ang sinasabi ko na, every time na pinipilit ko ang sarili ko to get into a relationship, though mahal ko naman yung tao, hindi pa ako handa. You know, the time na nagdi-date kami ni Lovi, maraming adjustments akong ginawa Or, never pa akong nagdaan sa ganoong heartbreak.

“But, you know, at the end of the day, masaya naman ako kasi, magkaibigan naman kami. Wala akong galit sa kanya, wala rin akong hinahangad kundi ang maging masaya siya,” mahabang pahayag ni Jake sa isang interview.

Natatandaan din namin sa huling interbyu namin kay Lovi, talagang friends na lang sila ni Jake, at sumusumpa siya na hindi sila naging magdyowa, hanggang date lang talaga. Ayaw na ring idetalye ni Lovi kung bakit “basted” ang binata sa kanya, basta aniya, hindi sila swak sa isa’t isa bilang lovers.

Sa ngayon, si Jessy Mendiola naman ang target ni Jake, mukhang seryoso na nga ang binata sa panliligaw kay Maria Mercedes.

At ayon kay Jake, hindi raw ito gimik tulad ng paniniwala ng iba. Hindi naman daw siya ganu’ng klase ng lalaki. Sey ni Jake, takot naman daw siya sa karma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending