MULI na namang nagtala ng record sa kasaysayan ang SB19 nang ianunsyo nito sa madlang pipol na approved entry ang kanilang hit song na “Gento” sa 66th Grammy Awards.
Nitong Biyernes, October 13, ibinandera ng music label na Sony Music Philippines ang magandang balita sa kanilang X (dating Twitter) account.
Hangarin ng SB19 na magkaroon ng nominasyon para sa Best Pop Duo/Group Performance category.
“A’TIN!!!! Mag ingay!!!! @SB19Official‘s GENTO is an approved entry to the GRAMMY’s [emojis].
“Share until it gets to the voting members of the Recording Academy before Oct 20,” saad sa naturang post.
Bet ng label ng SB19 na masungkit ang nominasyon sa pamamagitan ng “For Your Consideration (FYC)” posts sa social media.
Samantala, ang mga voting members naman ng Recording Academy ay pwedeng mamili hanggang October 20 sa bet nitong mapasali sa nominasyon
Baka Bet Mo: SB19 super thankful sa fans, ‘GENTO’ umani na ng 30-M views sa YouTube: ‘Thank you for making it a massive hit!’
Ang official list of nominees naman ay iaanunsyo sa November 10 Nakatakda namang ganapin sa February 4, 2024 ang 66th Grammy Awards.
Samantala, magiging mahigpit ang kompetisyon na tatahakin ng SB19 dahil malalakads rin ang mga kalaban nito na nagnanais makamit ang nominasyon para sa naturang kategorya.
Ilan na rito ay ang “Karma” remix ni Taylor Swift feat. Ice Spice, “Barbie Dreams” ng FIFTY FITY feat. Kaliii, pati ang na rin ang isa pa nilang kanta na “Cupid”, “The Loneliest Time” ni Carly Rae Jepsen feat. Rufus Wrainwright at “Vulgar” nina Sam Smith at Madonna.
Related Chika:
SB19 nagpakita ng angas sa bagong single na ‘Gento’, trending agad sa netizens: ‘Nakalimutan kong huminga, OMG!’