‘A Very Good Girl’ nakalikom na ng P100-M sa takilya, Kathryn tuwang-tuwa: ‘This gives us hope for PH cinema!’

‘A Very Good Girl’ nakalikom na ng P100-M sa takilya, Kathryn tuwang-tuwa: ‘This gives us hope for PH cinema!’

PHOTO: Facebook/ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema)

SA loob lamang ng dalawang linggo, muling nagmarka ng panibagong milestone ang pelikulang “A Very Good Girl” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Ang comeback movie kasi ni Kathryn ay nakalikom na ng mahigit P100 million sa takilya!

Ang masayang balita ay proud na ibinandera mismo ng Box Office Queen sa kanyang Instagram account.

Ayon pa sa Kapamilya actress, hindi lang ito tagumpay ng film production na gumawa ng nasabing pelikula, kundi para na rin sa Philippine cinema.

“100 million?! You have no idea how much this gives us hope for the Philippine cinema,” saad ni Kathryn sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya, “Thank you so much for all your love and support!”

Baka Bet Mo: Netizens napamura sa teaser ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, siguradong tatabo na raw sa takilya, hahakot pa ng awards

Siyempre, nagdiwang at tuwang-tuwa rin ang maraming fans sa naging achievement ng aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Nakakaiyak po talaga [crying face emoji]. Congratulations! So proud of you idol Kath! [red heart emojis]”

“Congrats Kath and to the entire cast and crew! [black heart emoji]”

“Wooot wooot!! Love you, Kath! Well done to the whole team!!”

Nagpaabot din ng “congratulatory” messages ang ilang kapwa-artista kabilang na sina Ruffa Gutierrez, Jenny Miller, Melai Cantiveros, Chie Filomeno, at marami pang iba.

Magugunita noong September 27 nang ipinalabas ang “A Very Good Girl” sa mga sinehan sa Pilipinas.

First day pa lang ng pelikula sa ating bansa ay umarangkada na agad ito sa takilya na nakalikom ng mahigit P10 million.

Kasunod niyan ay nagkaroon din ng premiere sa United States kung saan pak na pak na rumampa sa red carpet ang mga bida na sina Kathryn at Dolly.

Present din sa nasabing event ang Filipino-American social media personality na si Bretman Rock, ang Filipino-American drag queen na si Manila Luzon, pati na rin ang ABS-CBN executives na sina CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Films Managing Director Kriz Gazmen, COO for Broadcast Cory Vidanes, at Head of TV Production and Star Magic na si Laurenti Dyogi.

Para sa kaalaman ng marami, ito ang kauna-unahang Hollywood premiere ng Star Cinema.

Bukod kina Dolly at Kathryn, ka-join din sa movie sina Jake Ejercito, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, Nour Hooshmand, Chie at Angel Aquino.

Related Chika:

‘Concrete Utopia’, ‘Sound of Freedom’ no. 1 movies sa ibang bansa, masisilayan na rin sa mga lokal na sinehan

Read more...