H.E.R., Halle Bailey magsasama sa musical film na ‘The Color Purple’, ibabandera ang istorya ng sisterhood

H.E.R., Halle Bailey magsasama sa musical film na ‘The Color Purple’, ibabandera ang istorya ng sisterhood
PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

BIBIDA sa isang bagong pelikula ang Filipino-American singer na si H.E.R. at ang “The Little Mermaid” star na si Halle Bailey.

Ito ang classic musical film na pinamagatang “The Color Purple” na base sa nobelang isinulat ni Alice Walker na may kaparehong titulo.

Mapapanood sa inilabas na pasilip na iikot ang storya nito sa tatlong babae na may “extraordinary sisterhood.”

Bukod sa drama, magpapakitang-gilas ang mga bida sa kanilang husay sa pag-awit.

Baka Bet Mo: Little Mermaid star Halle Bailey nag-alay ng kanta para sa mga kababaihan, nilabas ang debut single na ‘Angel’

Ang musical film ay mula sa direksyon ni Blitz Bazawule at prinoduce naman ng ilang bigating personalidad kagaya nina Oprah Winfrey, Steven Spielberg, Scott Sanders at Quincy Jones.

Bukod kina H.E.R. at Halle, tampok din sa musical film sina Taraji P. Henson, Danielle Brooks, Colman Domingo, Corey Hawkins, Aunjanue Ellis-Taylor at Fantasia Barrino.

Ang “The Color Purple” is distributed by Warner Bros. Pictures at nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa January 24, 2024.

Related Chika:

Andrea Brillantes kinilig kay Halle Bailey: Baby Blythe would have totally freaked out

H.E.R. Pinoy na Pinoy pa rin; laging kinakanta noon ang ‘Maging Sino Ka Man’ ni Sharon

Sam na-stress pauwi ng Pinas dahil sa biniling aso sa US para kay Catriona

Read more...