MAGING ang Vivamax star na si Angeli Khang ay hindi nakaligtas sa mga personalidad na kinasuhan ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI.
Nitong Martes, October 10, pumunta ang samahan sa Pasay City Prosecutors Office upang sampahan ng kaso ang dalaga ng six counts of criminal charges dahil sa paglabag nito ng Article 201 ng Revised Penal Code kaugnay ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.
Ayon sa legal counsel ng KSMBPI na si Atty. Mark Tolentino, nag-ugat ang kanilang pagsasampa ng kaso kay Angeli dahil sa anim na videos na in-upload nito sa kanyang social media accounts na nagpapakita ng explicit scenes mula sa kanyang mga ginawang proyekto.
Hindi nila nagustuhan ang ginawang pagbabahagi ng dalaga ng mga video sa social media dahil nagkakaroon ng easy access ang publiko lalo na ang mga minor de edad upang mapanood ito.
Baka Bet Mo: Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal
Bukod kay Angeli, nanganganib ring makasuhan ang tatlo pa niyang kasamang Vivamax stars na sina AJ Raval, Ayana Misola, at Azi Acosta dahil sa pagbabahagi nito ng malalaswang video sa kani-kanilang social media accounts.
Nagbabala rin si Tolentino na ang KSMBPI ang magsisilbing “watchdog of the cyberspace of the Philippines”.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsampa ng kaso ang KSMBPI sa mga kilalang personalidad dahil kamakailan lang nang maghain rin sila ng reklamo laban sa mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez pati na rin sa social media personality na si Toni Fowler.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Angeli hinggil sa kinakaharap na kaso.
Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng dalaga hinggil sa isyung kinasasangkutan.
Related Chika:
Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal dahil sa 3 ‘malalaswang music video’