H.E.R. Pinoy na Pinoy pa rin; laging kinakanta noon ang 'Maging Sino Ka Man' ni Sharon | Bandera

H.E.R. Pinoy na Pinoy pa rin; laging kinakanta noon ang ‘Maging Sino Ka Man’ ni Sharon

Ervin Santiago - May 12, 2021 - 09:33 AM

KNOWS n’yo ba na isang kanta ni Megastar Sharon Cuneta ang paboritong kantahin noon ng international award-winning singer na si H.E.R.?

May dugong Pinoy ang Grammy at Oscar winner at very proud daw siya sa kanyang pinagmulan kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga fans dito sa Pilipinas.

Kuwento ni H.E.R. isang Filipino classic song ni Sharon ang madalas niyang kantahin noon, at yan ay walang iba kundi ang version ni Mega ng “Maging Sino Ka Man”.

“My mom’s favorite is Sharon Cuneta so I used to sing ‘Maging Sino Ka Man’ all the time. That was my Filipino go-to song,” pahayag ni H.E.R sa panayam ng GMA 7.

Nabanggit din ng international singer na favorite rin ng kanyang Filipina mom na si Agnes Wilson ang OPM icon at Kapamilya singer na si Gary Valenciano.

Kuwento pa niya, huli siyang nakapunta sa kanyang hometown sa Nueva Ecija noong 2019 pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan niya ang mga bonding moments nila ng kanyang pamilya.

Tandang-tanda pa raw niya ang, “Karaoke and my grandpa getting lasing. It’s just fun eating a lot of sinigang and kare-kare. I just learned how to make kare-kare, by the way.”

Nagpapasalamat daw siya sa kanyang ina dahil kahit sa Amerika ipinanganak at lumaki, marami pa rin siyang alam tungkol sa kulturang Pinoy.

“I love my mom and how she’s made sure that I’d stay connected to my roots and even having my grandparents in the house making sure that I could speak Tagalog,” sabi ni H.E.R..

Sa nasabing panayam, inialay din niya sa kanyang mga magulang ang kanyang mga tinanggap na award mula sa Oscar at Grammy. Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanyang Filipino fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

“Maraming salamat for all the support,” ani H.E.R. “I love you, guys. I really appreciate all the love and support that you guys show me,” ani H.E.R..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinalita rin niya ang kanyang plano na makipag-collaborate sa iba pang Filipino-American performers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending