PANSAMANTALA nang namaalam ang mga host ng noontime show na “It’s Showtime.”
Ito ay bago nilang tuparin ang 12-days suspension na iniutos ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magsisimula na ngayong October 14 hanggang October 27.
Pagkatapos ng segment na “Tawag ng Tanghalan” nitong October 13, nagsama-sama sa stage sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, Ion Perez, Amy Perez, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Cianne Dominguez upang magbigay ng mensahe sa kanilang madlang pipol.
Kapansin-pansin naman na nawala si Vice Ganda sa closing spiel ng mga host, pero naroon siya sa ilang segment ng show.
Baka Bet Mo: Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’
“Abangan niyo po bukas ang ‘It’s Your Lucky Day,’” sey ni Vhong matapos pasalamatan ang viewers.
Dagdag pa niya, “Kami naman po, sa aming pagbabalik sa Oct. 28, magsama-sama tayong muli para sa ‘Mini Ms. U’ the cutest finale.”
“Madlang people, we’ll be right back! Mami-miss namin kayo pero mabilis lang ‘yan,” patuloy ni Vhong.
Aniya pa, “Kaya magkikita-kita tayo ulit.”
Pagkatapos niyan ay biglang nagsayawan ang mga host sa kanta ni Ogie na “Dito sa Puso Ko,” habang ang iba ay nagsasabi ng, “We love you, madlang people! We’ll miss you! See you in two weeks!”
Matatandaang una nang nagpataw ang MTRCB ng 12-day suspension sa “It’s Showtime” matapos makatanggap ng ahensya ng mga reklamo ukol sa noontime show, partikular na ang naging kontrobersyal na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing na diumano’y sa pamamagitan ng malaswang pamamaraan sa harap ng mga batang kasama sa segment na “Isip Bata.”
Naghain ng Motion for Reconsideration ang Kapamilya noontime program ngunit hindi ito pinagbigyan ng MTRCB.
Habang suspendido ang show, ang papalitan diyan ay ang game variety show na “It’s Your Lucky Day” na hosted by Luis Manzano at ang mga makakasama niya riyan ay sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Jennica Garcia, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Francine Diaz at Seth Fedelin.
Related Chika:
Michelle Madrigal iwas muna sa social media, focus muna sa sarili at maayos na mental health