Hiwalay na raw sila ni Zanjoe: Ha? Talaga! Buti sila alam nila!
Shocked si Bea Alonzo sa balitang naghiwalay na sila ni Zanjoe Marudo. Ayon kasi sa mga chika, nagdesisyon daw silang mag-cool off muna ng boyfriend dahil sa ilang personal na kadahilanan.
“Ha? Buti sila alam nila!” ang bulalas ng aktres sa isang interview.
“Parang masayang-masaya naman kaming dalawa. No, hindi kami nag-cool off,” aniya.
Ayon pa kay Bea, baka raw dahil hindi na sila masyadong nagkikita ni Zanjoe at bihira na silang lumabas, inisip na ng mga tao na hiwalay na sila.
“Siguro akala nila… Kasi merong two months that I was doing She’s The One, halos hindi kami nagkikita. And para sa akin, ngayon, na-realize ko, mas nag-work siya for both of us.”
“Parang ngayon mas sweet kami sa isa’t isa. Siya, parang feeling ko mas extra sweet siya sa akin kasi na-miss niya ako…so, nakatulong siya (pagiging busy).”
Hirit pa ng dalaga, “Walang selosan, he trusts me enough na alam niyang hindi ko siya lolokohin, ako din naman ganu’n din sa kanya kaya happy lang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.