Kathryn Bernardo napa-surrender sa bonggang awra ng kanyang ‘mini me’ na si Eunice: I think she did it better

Kathryn napa-surrender sa bonggang awra ng kanyang 'mini me' na si Eunice: I think she did it better

PAK na pak! Trending ngayon ang mga ibinahaging larawan ni Kathryn Bernardo tampok ang tila “mini version” niya habang suot nito ang kanyang mga iconic gowns sa social media.

Pinusuan at pinuri ng sandamakmak na netizens ang ka-cute-an at matinding resemblance ng bata sa Box Office Queen matapos niya itong ibandera sa kanyang Instagram account.

Mismong ang aktres ay manghang-mangha sa stunning looks na ipinamalas ni Baby Eunice.

“I surrender! I think she did it better! I hope to meet you soon, bb eunice!!” sey ng dyowa ni Daniel Padilla.

Narito ang adorable photo kung saan kinopya ni Bb. Eunice ang red carpet look ni Kathryn sa nagdaang ABS-CBN Ball.

Baka Bet Mo: Julia Montes hindi nape-pressure kay Kathryn Bernardo: Kami ang original love team

Cuteness overload din pati ang kanyang inspired version sa outfit ng aktres noong dumalo siya Seoul International Drama Awards 2023.

Nakausap namin ang wonder mom sa likod ng mga nagniningning na damit ni Eunice na si Rochelle Santiago.

Ayon kay Mama Rochelle, matagal na niyang idolo ang “A Very Good Girl” star mula noong sumabak pa lang siya sa TV show na “Going Bulilit.”

“Bata pa lang ako like elementary days, nu’ng kakapasok pa lang ni Ms. Kath sa Going Bulilit, isa po siya sa pinakaidolo kong gumaganap sa mga television,” saad nito.

Lahat pa ng mga damit ni “Indai” Eunice ay puro DIY lamang, “Sinubukan ko rin kay Indai kung babagay din ba sa kanya ang mala ‘Kathryn’ look in my DIY version.”

“Nagstart po ‘yang panggagaya namin sa kanyang outfit back in as ‘Ali Fajardo’ one of the inspiring movies entitled To Good To Be True,” aniya.

“Until nung nagka award siya sa Korea which is nakaka-proud of course, kinuhanan ko rin si Indai na ka-look niya (Kathryn). And lastly nu’ng ABS-CBN Ball na sobra nga namang kinabog ni Miss Kath ang lahat na nakatungtong sa red carpet ay naisipan kong ipagaya na rin kay Indai.” pagbabahagi pa niya.

Hindi lamang ang mga trending fits ni Kathryn ang pinaggayahan at inawra ni Baby Eunice sa social media, gumawa rin sila ng ilang inspired looks sa iba’t ibang famous celebrities tulad nina Janella Salvador, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Pia Wurtzbach, Heart Evangelista, Kylie Padilla, at pati na rin si Meme Vice Ganda!

Related Chika:
‘A Very Good Girl’ nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ipalalabas din sa US: ‘The quality of work we do here is world class’

Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Read more...