Boy Abunda, Pia at Alan Peter Cayetano
“A WRONG doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong mapeperwisyo.”
‘Yan ang banat ni Sen. Alan Peter Cayetano habang pinagninilayan ang mga kaso na hinarap kasama ang kapatid na si Sen. Pia at co-host na si Boy Abunda sa pinakahuling episode ng “CIA with BA.”
Sa “Case 2 Face” segment, nagreklamo ang apple vendor na si Jovi laban sa tricycle driver na si Jhon-Jhon.
Inakusahan ni Jovi si Jhon-Jhon na diumano’y ninakaw ang kanyang mansanas na tinitinda sa isang terminal sa Quezon City.
Baka Bet Mo: Rica Peralejo ibinandera kung gaano ka-proud sa asawa: ‘You are one of the best and most correct decisions I have made in life’
Dahil sa kahihiyan, sinuntok at sinakal naman ni Jhon-Jhon si Jovi.
“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person na ‘magnanakaw.’
“Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero para sa nakarinig nu’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” sabi ng senador kay Jovi.
Pinaalalahanan naman ng mambabatas si Jhon-Jhon, “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng iba, pero kontrolado mo ang reaksyon mo.”
“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa kanya, pero dahil sa ‘yo,” dagdag pa niya.
Bagamat nagkaroon na ng unang pag-uusap ang dalawa sa barangay hall na malapit sa pinangyarihan ng insidente, pakiramdam ni Jovi ay hindi bukal sa loob ni Jhon-Jhon ang paghingi ng paumanhin.
Ngunit muli itong kinlaro ng programa na sila ay ligtas mula sa kamay ng isa’t isa.
Sa pagtatapos ng naturang segment, lumapit si Jhon-Jhon kay Jovi at humingi ng tawad.
Baka Bet Mo: Michelle Dee inamin na ‘open secret’ ang pagiging bisexual, aprub kay Melanie Marquez: She never made me feel there’s something wrong
“Pasensya ka na. Hayaan mo hindi na mauulit ‘yon,” aniya.
Nangako naman ang “CIA with BA” na sasagutin ang kanilang mga nagastos noong mga oras na kinailangan nilang harapin ang kaso sa barangay.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palagpasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.