PAGASA naglabas ng ‘flood warning’ sa 7 rehiyon; 2 LPA, Super Typhoon nagpapaulan sa bansa

PAGASA naglabas ng ‘flood warning’ sa 7 rehiyon; 2 LPA, Super Typhoon nagpapaulan sa bansa

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

DAHIL sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) sa ating bansa, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa posibleng pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Narito ang listahan ng pitong rehiyon na kabilang sa “flood warning”:

Region IV B – Mimaropa

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos idineklarang non-working holiday ang October 30

Region V – Bicol region

Region VI – Western Visayas

Region VII – Central Visayas

Region VIII – Eastern Visayas

Region X – Northern Mindanao

Region XIII – Caraga

Dahil diyan, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na nasa bulubundukin at mababang lugar, gayundin ang kanilang disaster reduction and management agencies na magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat.

Samantala, ayon sa report ng weather bureau ngayong araw (Oct. 12), may binabantayan silang dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng ating bansa at isang super typhoon na nasa labas ng bansa.

Ang LPA sa silangang bahagi ng Eastern Visayas ay hindi naman inaasahang bagyo at posibleng lumabas na ng bansa dahil ito ay nakatakdang sumanib sa ekstensyon ng super typhoon.

“Ang Low Pressure Area na ito, nananatiling mababa ‘yung tsansa na maging isang bagyo at possible na sumama sa trough ng bagyo sa labas ng atong Philippine Area of Responsibility,” sey ng weather specialist na si Patrick Del Mundo.

Dagdag pa niya, “Si Super Typhoon Bolaven ay huling namataan sa layong 2,190 kilometers east of Extreme Northern Luzon at sa mga susunod na oras, magre-recurve na ito sa may southern Japan Sea at sa mga susunod na oras ay magkakaroon ng interaction itong Low Pressure Area sa loob ng PAR na hihilahin unti-unti nitong Super Typhoon Bolaven papalayo ng ating kalupaan.”

“Ang Super Typhoon Bolaven ay mababa pa rin ang tsansa na pumasok ng ating Philippine Area of Responsibility,” ani pa ng weather specialist.

Ang isa pang LPA ay huling namataan sa layong 135 kilometers sa may kanluran ng Coron, Palawan.

Ayon sa ahensya, asahan na magpapaulan ito sa Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Northern Samar at Eastern Samar.

“Kaninang alas dos ng madaling araw, may nabuong Low Pressure Area dito naman sa may kanluran ng Palawan,” sambit ni Del Mundo.

Paliwanag pa niya, “Itong Low Pressure Area na ito ay nananatiling mababa ‘yung tsansa na maging isang bagyo within the next 48 hours and possible din na lumabas ng ating Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.”

Read more:

Read more...