Ivana lumafang ng tipaklong, alakdan sa Thailand, hirit sa mga lalaking gustong humalik sa kanya: ‘Magtu-toothbrush ako after nito’
FOOD trip kung food trip ang drama ng Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi kasama ang ilang kaibigan sa paglilibot nila sa Bangkok, Thailand.
Mapapanood ito sa kanyang latest YouTube vlog kung saan talagang sinulit daw ng dalaga ang ilang araw na pananatili nila sa nasabing bansa kamakailan.
May endorsement shoot daw si Ivana sa Bangkok kaya naglaan na rin siya ng panahon para makapaglibot sa ilang tourist spots doon at makalafang ng iba’t ibang uri ng pagkain sa Thailand.
Tinray nila ang ilang food na itinitinda sa isang karinderya roon kabilang na ang drunken noodles at crispy rice vermicelli. Sinubukan din nila ang bestseller doon na crab omelette.
Baka Bet Mo: Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali
Ang rating na ibinigay ni Ivana sa nasabing karinderya ay 8 out of 10, “Medyo maalat lang ‘yung ibang food para sa akin. Pero iba-iba naman ‘yan, e.
“Baka sa inyo perfect na perfect siya. Pero kung ako ang papipiliin n’yo, mas na-appreciate ko pa rin pagkain natin.
“Pero masarap din siya. It’s a different culture. Pero ako, mahilig pa rin ako sa bulalo at sinigang,” ani Ivana.
View this post on Instagram
Umabot sa ฿20,950 ang binayaran nila sa lahat ng kanilang nilafang at kung iko-convert ito sa Philippine peso, aabot ito sa mahigit P32,000.
Sa isa pang lugar na kanilang kinainan ay lumafang ulit ang grupo nina Ivana ng iba’t ibang street food, kabilang na ang alakdan at tipaklong.
Biro ni Ivana sa isang kaibigan, ito raw muna ang kumain at susunod siya para hindi siya ang unang mamamatay, “Mauna ka tapos kakainin ko promise.”
Hirit pa ni Ivana, “Sa mga lalaking gustong humalik sa akin, magtu-toothbrush ako after nito. Hindi n’yo na malalasahan ‘yung scorpion, ha!”
Sey ng aktres sa kanyang kinain, medyo mapait daw ito at malutong pero baka hindi na siya kakagat pa ng isa.
Kasunod nito, tapang-tapangan ding tinikman ni Ivana ang tipaklong. Pero isang subo pa lang niya ay napangiwi na agad ang dalaga at maluha-luha pa, senyales na hindi niya type kumain ng tipaklong.
Hirit pa ni Ivana, “Sana halikan n’yo pa rin ako.”
“Masarap ‘yan tapos may iki-kiss ka ngayon,” biro naman ng kanyang kaibigan.
Sagot naman ni Ivana, “Ay, hindi ngayon. Pag-uwi ko patay ka sa akin. Doon mo malalaman kung mahal ka talaga ng tao.”
Sa huli, pabirong nag-sorry si Ivana sa kaniyang ina dahil sa mga pinaggagawa niya sa Thailand kasama ang mga kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.