Bong Revilla nagalit sa ginawa ng production sa mga extra, tuluy-tuloy na pinagtrabaho ng 26 oras; 1 talent binayaran ng P500

Bong Revilla nagalit sa ginawa ng production sa mga extra, tuluy-tuloy na pinagtrabaho ng 26 oras; 1 talent binaran ng P500

Bong Revilla

SARILING programa ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” pero hindi niya alam na umaabot umano sa 26 oras ang shooting ng mga talents o extra.

Kaya naman nang malaman niya ito mula sa kasamahang Jobert Sucaldito ay kaagad niyang kinol ang atensyon ng executive producer ng “WMPMM” na napanood sa GMA 7.

Tinext kasi ni Jobert ang senador nang malaman niyang hindi pa umuuwi ng bahay ang alaga niyang umekstra sa programa na umere noong Hunyo at nagtapos naman ng Agosto ngayong taon.

Naikuwento ito ni Jobert sa YouTube channel nila ni Direk Chaps Manasala na “Oras ng Opinyon Talakayan at Diskusyon” o “OOTD” na in-upload nitong Lunes nang gabi.


Pinag-usapan kasi nina direk Chaps at Jobert ang pag-apela ni Sen. Bong kay Presidente Bongbong Marcos, Jr. na kung sakaling aapela ang “It’s Showtime” sa kanila para hindi matuloy ang 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB ay sana pagbigyan dahil kawawa ang mga nagtatrabaho sa programa na arawan ang kita kapag nawala ito nang dalawang linggo.

At dito na naalala ng kasamang Jobert na tinext niya si Sen. Bong tungkol sa overworked na mga talent.

“I’ll just speak my two cents ‘no, because I refer this to some incidents just a few months ago to Senator Bong, he’s a lawmaker parang kapatid ko ‘yan pero gusto kong ipalala rin sa kanya ang dalawang instances.

“Last two or three months ago, may teleserye siya (ang) Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis siya po ang bida roon.  Ngayon mayroon akong isang anak-anakan dati na tinulung-tulungan ko.

“Sabi niya, ‘Tito may taping kami para sa (show).’ Sabi ko, ‘talaga, wow congratulations! Two o’clock daw ng madaling araw ang pull-out nila sa Manila tapos ibibiyahe sila sa Angeles, Pampanga kasi doon ang taping.

Baka Bet Mo: Tracy Perez napasabak sa ‘extra challenge’ bago naging Miss World PH: As a probinsyana, it’s hard talaga!

“Tapos the day after, after 6 a.m. umalis, wala pa the following day ng 6 a.m. din. Nagtataka ako ‘yung bata wala pa sa bahay, tapos tinawagan ko, sabi ko, ‘anak asan ka? ‘tito katatapos lang naming mag-taping. Kakapack-up lang.’

“Mukhang masaya siya, siyempre alam mo na ang mga bata, mga extra kahit abutin sila ng ilang oras makita lang sa camera ang mukha nila masaya na sila. So, ako naman ‘how much did you get paid for?’ Magkano ang ibinayad sa inyo to work for 26 hours? Sabi niya, ‘tito five hundred!’

“I was so hurt in behalf of these extras. I immediately texted Bong, ‘Papa Bong good morning, you know, you’re a lawmaker at saka this is your show and I hope you’re aware na itong mga batang ito ay pinagtrabaho ng 26 hours diretso, mabuti kayo mga big stars kayo, itong mga extras.

“Alam mo namang labag sa batas ito (more than 16 hours work). I hope you do something about this kasi ang mga taong ito hindi mga robot. What happens kapag nagkasakit sila? They’not even insured?


“After that tumatawag sa akin si Bong, ‘kuya I know that. Pinagalitan ko ‘yung mga EPs (executive producers) kasi hindi tama ito. You don’t make people na hindi mon a dapat pinapa-overworked dapat may cut-off ‘yan,” sabi raw ng senador.

Nagkaroon na kasi ng cut-off time ang shooting-taping na hanggang 14 hours lang at ang pinaka-late ay 16 hours na nagsimula noong nagkaroon ng pandemya at kapag minor naman ang talent o artista ay hanggang 4 hours lang base ito sa regulasyon ng DOLE.

Kaya sa madaling salita ay sumobra sa 16 hours ang tinrabaho ng talent o ekstra sa programang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan ni Sen. Bong at Beauty Gonzales.

Sa pagpapatuloy ni Jobert, “In fairness kay Senator Bong nagalit siya sa mga tao at sincere naman ‘yung concern niya kasi kahit show niya ‘yun hindi siya pumayag. He demanded na kung kailangang mag-extend ng another day para hindi na-abuse ‘yung mga tao gawin ninyo.

“Alam mo naman kasi ang ibang executive producers sa production, nagpapakitang gilas sa may-ari ng istasyon na nakatipid sila, the nerve five hundred pesos (binayad)?” giit pa ng isa sa OOTD host.

Say pa ni Jobert, baka raw hindi rin alam ng may-ari ng TV network na may ganitong ginagawa ang EP na nagtitipid para nga naman kunin ulit siya sa mga susunod na shows.

Jobert Austria nagalit kay Lord noon: Sabi ko, patayin mo na ako…hindi ka ba naaawa sa akin?

Barbie hindi galing sa rich family: ‘Yung daddy ko po tricycle driver, tapos nanay ko may business na yema at pastillas’

Read more...