Ricardo Cepeda sa pagkakulong dahil sa estafa: I was shocked! Hindi ko alam na may mga warrant ako!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Ricardo Cepeda at Marina Benipayo
NA-SHOCK ang veteran actor na si Ricardo Cepeda nang bigla siyang arestuhin ng mga pulis sa Caloocan City nitong nagdaang Sabado dahil sa kasong syndicated estafa.
Hindi raw inakala ni Ricardo na madadamay at makukulong pa siya nang dahil sa mga kasong wala naman siyang kinalaman.
Ipinagdiinan ng aktor na isa lamang siyang endorser sa inirereklamong kumpanya at wala siyang kaalam-alam sa mga operasyon nito.
“I was shocked because I didn’t, I wasn’t aware na umabot sa may warrants ako. I had heard na may mga scam daw but ‘di ko alam na sinama nila ako,” pahayag ni Ricardo sa panayam ng “24 Oras.”
Kaya nga raw kusa at hindi na siya nanlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos siyang magtanong kung ano ang nagawa niyang kasalanan.
Paliwanag pa ni Ricardo, “I am not connected at all sa company. Even sa business registration, my name is not there.
“Wala ako sa running business, anything of the company. Ano, model lang ako about the products,” paliwanag pa ng aktor.
“Nagulat rin po siya nu’ng sinilbihan natin siya ng warrant of arrest. Nagko-conduct po siya ng ribbon-cutting sa area. Inaresto po natin siya nung bago palang po magkaroon ribbon cutting,” ayon kay QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Chief P/Maj. Dondon Llapitan.
Hindi naman masabi ng CIDU-QCPD kung magkano talaga ang halagang involved sa nasabing estafa case, na umabot daw sa 40 complaints.
Bukod sa 23 counts of syndicated estafa, may isa pang warrant of arrest si Ricardo dahil sa bouncing check case at may three counts of violation pa ng RA No. 8799, or Securities Regulation Code.
“Na-verify po natin ‘yung e-warrant po natin at nalaman po natin na marami pa siyang warrant na pending,” sey ni Llapitan.
Naniniwala naman ang aktor na mapapawalang-sala siya pagdating ng tamang panahon, “‘Yung ano ko lang is the time. The wasted time that I can’t do anything. I cannot work because I’m here trying to prove my innocence.”
Nauna rito, ipinagtanggol ng aktres na si Marina Benipayo ang partner niyang aktor sa pamamagitan ng isang TikTok video. Nanawagan siya na huwag agad husgahan ang kanyang karelasyon.
“Magpo-post kayo tapos hayaan n’yo lang pagpiyestahan ng mga tao, hindi yata tama ‘yun eh. I would never ever, ever wish that anything like that would happen sa inyo kahit hindi ko kayo kilala. All we need really now are prayers,” aniya pa.